Dahan dahan syang napalingon sa gilid ng marinig ang boses ng Lola. May hawak itong walis ting ting. Halatang kakatapos lang maglinis ng bakuran. Mag-aalas-dyis na nang umaga. Painit ng painit na rin ang araw.
"A-ah, Lola ikaw pala"
Napatingin ang Lola sa pinapayungan nito. Nahugot naman ang paghinga ni Mercia. "Ahh Lola, gawa ko lang ito. Sinusubukan ko yung bago kong gawang robot. Hahaha Mamaya magiging saranggola ito Lola. Marunong itong lumipad hehe"
Gusto kong sapuin ang nuo ko sa katangahan. Ganda lang talaga ang meron ako.
"Oh sige. Tutal bukas pa naman tayo aalis. Sige,mag-enjoy ka lang." ngiting sabi ni Lola Imelda. Ngumiti nalang din si Mercia saka nag-wave sa Lola.
"Wag lalayo apo!"
"Sige po! Sigaw nya pabalik ng makarating sa gate. Nakahinga sya ng maluwag at tumambay sa pader para di gaanong mainit.
"Phew, akala ko mahuhuli na tayo eh"
Hinatid ni Mercia si Alas sa gubat. Medyo malayo sa mansyon ng lola nya. "Ano? Kaya mo na ba dito?"
Hinihingal sya habang tinatanong yun. Umiling naman si Alas na ikinakunot ng nuo ni Mercia. "Bakit naman?"
Napasapo sya sa nuo dahil hindi nga pala ito makakasagot. Inalis nya ang ilang piraso ng foil sa bibig nito. Napahinga ng malalim si Alas saka nagsalita. "Hindi ko na alam kung saan ako pupunta."
"Ano?! Matapos mo kong pahirapan sa paglagay ng foil, hindi mo pala alam kung saan ka pupunta? Aba Alas, tapos na ang trabaho ko. Hindi ko na problema yan."
Natahimik si Alas. Hindi niya rin naman alam na ngayong araw sya aalis. "Hindi ko alam dahil.. baka naroon parin ang mga taong gustong pumatay sakin."
Napakamot naman sa ulo si Mercia. "Hindi ko na nga problema yun! Anong gusto mo? Ihatid pa kita doon? Ano ako tanga? Edi ako ginawang pagkain mo,"
Napakrus nalang sa braso si Mercia habang si Alas ay nakatitig sa kanya saka napabuntong hininga. "Salamat sa tulong," ani ni Alas saka nag-umpisang maglakad papasok sa gubat. Makulimlim naman sa gubat at buti nalang di nalimutan ni Alas ang payong. Tiningnan lang ni Mercia si Alas papalayo. Maya-maya ay nakarinig sya ng pag-andar ng sasakyan. Napatingin sya sa kalsada at naaninag nya ang lalaking pamilyar sa kanya. Bumaba ito sa kotseng itim. Nanlaki ang mata nya ng makilala ang lalaki. Agad syang tumakbo papasok sa gubat para habulin si Alas. Buti nalang hindi pa nakakalayo ito.
"Alas!"
Napalingon si Alas pero bago pa sya sumagot ay tinalunan na sya ni Mercia.
"I'm sorry pero nakita ko yung may bangas sa mukha! Tara dito!" Hinila nya sa damuhan si Alas. Nagkaroon tuloy ng kaunting sira ang foil.
"Saan ba kasi huling nakita?" rinig nila habang nakayuko at nagtatago sa damuhan. Sumenyas si Mercia na wag mag-iingay at saka nya kaunting ibinukas ang damo para maaninag ang nag-uusap. Nanlaki ang mata nya ng makitang nakatalikod sa kanilang pinagtataguan ang lalaking may bangas sa mukha habang may nakasakbit na baril. Kausap nito ang lalaking may mahabang buhok habang naninigarilyo.
"Nakita ko ngang pumasok doon sa bintana nung dalaga kagabi. Hindi ako pwedeng magkamali," sagot ng lalaking mahaba ang buhok.
"Tinatarantado ba tayo ng pamilyang yun?" inis na sabi nung may bangas sa mukha saka kinasa ang baril. Napalunok si Mercia at kinabahan.
"Pakiramdam ko, may tinatago yung pamilyang yun," saka humithit ng sigarilyo ang lalaki at tinapakan ito. Kinasa nya ang sariling baril. Nangunot ang nuo ni Mercia.