Kabanata 3

12 0 0
                                    

"Oo. Iyon ang kinakain ko dahil.. alam mo na"

Napatango naman si Mercia. Mukhang naiintindihan na nya ngayon ang bampira. Nalungkot sya ng maisip na,patay na ang angkan nito at nag-iisa nalang sa buhay. Nahuli pa sya habang naghahanap ng makakain. Alternative sa.. dugo ng tao.

Feeling tuloy ni Mercia ay masusuka sya. Napansin nyang may nakatingin sa kanya kaya sya tumingin doon at nakita nya ang bampira na kunot nuong nakatingin sa kanya. Pinigilan nya ang sariling reaction at niyakap uli ang tuhod.

"Hindi ka ba matutulog?" napalingon sya dahil nagsalita ang bampira. Napailing nalang sya. Hindi pa rin sya kampante. Parang nawala tuloy ang awa nya kaya kahit antok na antok na ay nagmistulang kwago sya na hindi natutulog sa gabi. Kinuha pa nya ang salamin sa sariling vanity table sa tabi at napasimangot sya nang makita ang eyebags nya. Sya panaman ang face ng school. Crush ng bayan ganon.

"Hindi pa ako pwedeng umalis.."

Napalingon sya uli sa bampira. Kung pagmamasdan ang bampira, para lang itong matangkad na lalaki na lasenggo ang datingan dahil sa posisyon nya ngayon. Maputla ang balat, makakapal ang kilay at pilik mata. Itim na itim ang kulay ng mata habang ang ilong ay matangos. Kulay dugo naman ang labi nya. May freckles pa nga ito na kakaunti lang naman.

"Kanina ka pa nakatingin sakin,"

Napailing si Mercia. Parang may kakaiba sa bampira na hindi nya maintindihan.

"Maraming naghahanap sakin ngayon kaya kung pwede dito muna ako," pakiusap nya. Hindi naman alam ni Mercia ang gagawin. Meron sa kanyang natatakot, at meron din sa kanyang naawa sa kalagayan ng bampira.

"B-basta wag mo lang akong sasaktan, pati pamilya ko." Utal na sabi nya. Tumango lang ang bampira. Para namang nag-slow motion ang paligid ng unti-unting ngumiti ang bampira.

"Sinabi ko nang wag mo kong titigan ng matagal,"

Napabalik sa reyalidad si Mercia. Agad syang napalayo sa bampira dahil sa lapit nito sa mukha nya. Napatingin sya sa paligid at lakong gulat nya ng mapunta sya sa harap ng bampira na nasa sahig. Nanlaki ang mata nya ng makita kung ano ang posisyon nila. Ang bampira ay nakaupo lang katulad ng dati habang si Mercia naman ay nasa gitna ng hita nya at di nya napansin na nakahawak na ang isa nyang kamay sa pisngi ng bampira. Napabitaw sya sa gulat.

"Anong ginagawa ko dito?!"

Walang reaction ang bampira. Parang sana'y na ito sa nangyayari sa babae. "Tinatawag iyong hipnotismo,"kaswal na sagot nya.

"A-ano kamo?! Hipnotismo?! Ginawa mo yun sakin?!" halos isigaw nya na iyon.

"Wala akong ginawa. Sadyang nangyayari lang ang ganoon kung masyado kang tititig sa mga mata ko." walang reaksyong sabi nya.

"Ngumiti ka!"sigaw nya uli kaya nagsalubong na ang kilay ng bampira. Natahimik tuloy sya. "Hindi ako ngumiti." pagdidiinan nya.

"Lumayo ka na sakin." pag-iwas nito ng tingin. Agad namang lumayo si Mercia at tumakbo papuntang kama nya. Mukha tuloy syang kamatis dahil sa pula ng pisngi nya. Hindi nya alam bat  naging ganun yun.

Maya-maya ay nakita nya sa siwang na maliwanag na. Alas singko na ng umaga. Medyo papalabas na ang araw. Narinig nyang naghikab ang bampira.

"Kailangan ko nang.. matutulugan,"

'Ano ako hotel? Kakainis!'

"Hindi pwede sa kama ko kaya---"

"Kailangan ko ng kabaong---"

"Ha?!" gulat na sigaw nya kaya lumipad ang bampira saka tinakpan ang bibig nya. "Tama ang narinig mo. Wag kang sumigaw" napatango naman si Mercia kaya lumayo na uli ang bampira.

The Lost VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon