Kabanata 7

19 2 0
                                    

Last day na ng pagbabakasyon ni Mercia sa lola so far, eto ang hindi niya malilimutang memory. Una, nagkaroon sya ng kaibigan dito which is hindi niya inexpect na bampira at pangalawa, nasasanay na sya sa buhay probinsya. Akala niya walang magagawa dito yun pala mas masaya.

"Tapos ganun. Kasama ko mga kaibigan ko." masayang kwento niya kay Alas. Nakatingin naman si Alas na interesado sa pinakikinggan. Nasa loob uli sila ng kwarto niya at tuwing alas diyes ng gabi ay dumadalaw si Alas.

"Masaya sigurong mag-aral," ngiting komento niya. Na-guilty tuloy si Mercia. Hindi manlang niya naisip ang mararamdaman nito.

"Sorry,"

"Hindi ko maintindihan."

"Sabi ko nga."tawang sabi niya.

"Isa ba yan sa pinag-aralan ninyo?" tumango si Mercia bilang sagot. "Ibigsabihin, patawad. Ganun! Alam mo ba may iba't ibang uri ng wika? Tama ba ang pagtatagalog ko?" natatawang saad pa nya.

"Naiintindihan ko. Ibig sabihin, meron pang ibang wika na ginagamit ang tao." napapalakpak naman si Mercia at napapatango na ikinagulat ni Alas. Minsan ay sobra ang mga reaksyon nito.

"Tama! Ang galing mo ha! Madali kang matuto! Tama ka, isa sa mga wikang madalas gamitin sa mundo ay English at yun nga yung ginamit kong salita kanina! Maiba tayo, nakapunta ka na ba ng ibang bansa? For sure nakapunta kana, nakakalipad ka eh!" mahabang sabi nito. Napatitig lang si Alas kay Mercia na walang ibang ginawa kung di ang dumaldal kapag dumadalaw sya.

Napaisip sya. "Hindi pa ako nakakaalis sa lugar na to. Nandito ang tirahan ng aking angkan kung kaya hindi ako maaring umalis."

Nawala naman ang ngiti kay Mercia. Pagdating sa usapang pamilya feeling nya napakasensitibo nito lalo na kay Alas. Samantala napansin ni Alas ang pagbabago ng reaksyon ni Mercia.

"Pwede mo ba akong turuang magbasa?" saad nya ng may ngiti sa labi.

Ngumiti si Mercia "Oo naman!" Parehas ng nakangiti ang dalawang magkaibang nilalang na pinagtagpo sa maliit na kwarto sa taas ng mansyon. Hindi alam ni Alas kung bakit ayaw nyang nakikitang malungkot ang babaeng unang naging kaibigan nya sa sanlibutan.










Natapos ang bakasyon ay bumalik din sila sa city ilang araw ay pasukan na ulit. Naiisip palang ni Mercia ang pumasok sa university ay masusuka na sya. Ganda lang kasi meron sya.

Napag isipan niyang maging independent na para masanay siya ang kaso ayaw siyang payagan ni Danny dahil baby parin daw siya, ending doon parin sya tumutuloy sa bahay nila.

"Ayusin mo pag-aaral mo Mercia. College kana, hindi na pwedeng puro pa-kikay kikay lang alam mo." paalala ni Danny, bukas na kasi ang unang araw ni Mercia sa college.

"Oo na! Tsaka, talagang pa-pretty lang ang gagawin ko don, flight attendant kaya ang goal ko!" maarteng sabi nito. Tinapunan lang sya ng tingin ni Danny at lumabas na ito sa kwarto nya. Mag-isa nalang na binubuhay ni Danny ang anak nya matapos ang aksidenteng nangyari sa asawa nya sa trabaho nitong seaman.

Pinapadyak ni Mercia ang paa nya habang nakahigang padapa sa kama. Nagso-scroll sya sa X kung saan tumitingin sya ng trend para naman hindi sya late sa uso. Agad syang bumangon at tiningnan ang uniform na isusuot nya kinabukasan. Tinapat nya ang uniform sa katawan at tiningnan ang sarili sa salamin.

"Ang ganda ko! For sure, baka ako nanaman ang center of attraction sa school! Baka ako pa ang maging muse ng basketball team! Omg! Kailangan ko talagang paghandaan kung ayaw kong mapahiya bukas!" ngiting sabi nya habang nagpapacute sa salamin.

"Sayang hindi ito makikita ni Alas. Kung nandito lang sya sa kwarto ko for sure maglalaway yun sakin!" napahinto sya at nawala ang ngiti sa labi ng may marealize sya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Lost VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon