Kabanata 1

10 0 0
                                    

"Huwag kang gaganyan ganyan pagdating mo ron ha?"

Saad ng ginang sa kanyang dalagang anak na ngayon ay nakakrus ang braso at nakatingin sa labas ng bintana. Nakasakay sila ngayon sa van kung saan papunta  sa bahay ng lola nya dahil bakasyon.

"Sinasama-sama nyo po kasi ako eh sa ayoko nga."

Napalingon at nakataas ang kilay ng ginang dahil sa sagot ng kanyang anak. "Pagbigyan mo na ang Lola mo Mercia! Malaki kana! Gusto ka nang makita ng Lola mo!"

"Ayoko nga po!"

Hindi naman dahil sa ayaw niya. Masyado lang syang natatakot sa pamumuhay ng Lola Imelda nya.

"Ayusin mo ugali mo, Mercia. Sinasabi ko sayo. Wag kang sisimangot-simangot sa lola mo. Matanda na iyon."

Wala nang nagawa si Mercia kung hindi ang sumunod. Kahit ano namang gawin nya hindi papatalo ang Mama nya. Kahit pa siguro nagkasakit sya uli sa pagpunta nya doon katulad noong 6 years old sya eh balewala din. Simula kasi noon hindi na nya gustong pumunta sa bahay ng Lola nya.

"It's so creepy. Ganun na ganun parin,"bulong nya sa sarili habang niyayakap ang sarili nya dahil sa kilabot. Tinatanaw nya ngayon sa labas ng bahay ng Lola nya ang kabuuan. Wala parin itong pinagbago. Malaki ang mansion at may kalumaan na rin. Para itong nasa isang horror movie.

"Ang nakakainis pa, iyong mga bawang,"

"Anong binubulong-bulong mo dyan?"inis na bulong ng mama nya dahil di namalayan ni Mercia na kinakausap na sya ng Lola nya habang kumakain.

"A-ano po iyon Lola?"awkward na sabi nito. Ngumiti naman ang lola Imelda nya. "Proteksyon yan apo, pasensya ka na."

Napangiwi naman si Mercia. Matapos niyon ay nakaramdam sya ng kurot mula sa tagiliran kaya impit syang napasigaw. Napatingin sya sa mama nya na nakataas na ang kilay ngayon. Paniguradong kung wala ang lola nya kanina pa sya binanatan nito.

"Proteksyon daw? Saan naman? Tss." Napahiga nalang sya sa kama sa sobrang inis. Ang kwarto nya ay nasa pinakatuktok ng mansion. Maluwang ang kwarto at ang nakakagulat pa ay moderno ang design. Parang exclusive at pinagawa pa talaga para sa kanya. Kaya kahit naiinis naging komportable sya. Napakunot ang nuo nya ng makita ang mga bawang sa bawat sulok ng kwarto.

"Lintek" agad syang napabangon sa inis. "Kaya nagiging creepy ang bahay dahil sa trip ni Lola! Ahay!"

Isa-isa nyang kinuha ang mga naka net na bawang at nakalagay sa mga baso. Madaling araw na kaya paniguradong tulog na ang mga tao. Balak niya itong ihagis sa bintana.

Itatapon na nya sana ang huling supot ng bawang nang mapahinto sya dahil sa natanaw nito.

"Ano yun?" naniningkit ang matang tanong sa sarili. Isang bagay na lumilipad sa himpapawid. Hindi nya masyadong maaninag dahil sa layo nito. "Ano yun? Ufo?"

Nanlaki ang mata ni Mercia ng mapagtanto niyang pabulusok ang bagay na iyon papunta sa kinaroroonan nya kaya agad syang napaupo dahil sa takot.  Napapikit din sya habang mahigpit ang yakap sa sarili.

Malakas na kalabog ang narinig ni Mercia. Nanginginig sya at pinagpapawisan dahil di nga sya nagkamali. Kung ano-ano nang tumatakbo sa isip nya na baka aswang, alien o malaking hayop ang pumasok sa kwarto nya. Unti-unting tumulo ang luha ni Mercia habang nakapikit. Nagdadasal sya dahil baka dito na magwawakas ang buhay nya.

"L-lord.." banggit nya habang unti-unting iminulat ang mata. Napakurap sya ng wala syang nakitang kakaibang nilalang sa kwarto nya.

"A-ano yun? Namalik-mata lang ba ako?" habang sinasabi nya iyon ay unti-unti syang tumayo. Sinuyod nya ng tingin ang paligid habang nakakunot ang nuo.

The Lost VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon