“ Ma, paano naman ako? ” sabi ko kasabay ng patuloy na pag-agos ng mga luha mula sa aking mga mata na halos mamaga na dahil sa sobrang pag-iyak.
“ Paano naman ako? Saan ako lulugar kung sa lahat na lang ng oras ay siya yung hinahanap mo kahit nandito naman ako? Siya palagi yung inaalala mo. Siya na lang palagi yung kinakamusta mo. Ni minsan ba naalala mo ako o kaya naman ay kinamusta mo ako kahit minsan? Tinanong kung okay lang ba ako? Hindi, hindi mo ginawa yon kasi palagi na lang siya yung iniisip niyo. Nakalimutan niyo na yatang may isa pa kayong anak na gustong maramdaman ang pagmamahal at kalinga ng magulang niya. ” sabi ko ng puno ng hinanakit.
“ Pagod na pagod na pagod na ako kakahintay na mapansin niyo rin ako pero sa paghihintay na iyon hindi ko napapansin unti unti na rin pala akong inuubos non. Kaya sabihin niyo sa akin hanggang kailan ko pa ba kailangang maghintay kasi konti na lang mauubos na ko. Hanggang kailan, Ma? Hanggang kailan kasi ang sakit sakit na dito eh. ” wika ko habang pinupukpok ang dibdib.
“ Ma, paano na ako? Makakaahon pa ba ako kung nalunod na ako kakahintay sa atensyon na hindi ko alam kung maibibigay mo ba? ”
BINABASA MO ANG
PAANO NAMAN AKO
Short Story" Ma, paano naman ako? " From the start I have always been the neglected child... So how will they know how I am, if from the start I never existed...