Epilogue

36 2 0
                                    

Nagsisisi ang ina sa pagtratong nito sa kanyang bunsong anak ngunit huli na siya wala na ang kanyang anak.

Nawala na ang bunso na hindi man lang alam lung bakit hindi siya nabigyan ng atensyon ng kanyang ina.

Nakalimutan niyang merong isang taong nagmamahal sa kanya pero hindi niya napansin dahil sa kagustuhang makuha ang atensyon ng ina.

Nakalimutan niyang meron siyang kuya na lagi siyang binabati tuwing kaarawan, kuyang palaging nagbibigay ng regalo sa kanya sa tuwing may okasyon, kuyang laging kumakamusta sa kanya, kuyang laging nadyan sa tabi niya, at kuyang laging nagpapatahan sa kaniya sa tuwing siya ay umiiyak pero lahat ng yon ay naisantabe dahil sa pagkauhaw niya sa pagmamahal ng kanyang ina.

Meron siyang kuya na naghihinapis dahil hindi man lang niya nailigtas ang kanyang bunsong kapatid sa pagkalunod.

Bunso, masaya ka ba diyan ngayon kung nasaan ka man?

PAANO NAMAN AKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon