One

42 1 0
                                    

Nandito ako ngayon sa kwarto kasi sabi ni mama wag daw akong lalabas kasi nandyan yung mga bisita niya. Nakasilip ako mula sa bintana ng kwarto ko at kitang kita ko mula rito kung gaano kasaya si mama habang pinapakilala sa mga kumare niya si ate. Gusto ko rin ipakilala ako ni mama ng ganon katulad kung paano niya ipinakilala si ate sa mga kakilala niya.

Palaging si ate ang ipinapakilala ni mama sa tuwing may mga bisita siya kaya minsan kapag nakikita nila ako sa bahay ay nagugulat pa sila at tinatanong kung sino ako.

Minsan nga akala nila ay magnanakaw ako kaya halos saktan na ako ng mga bisita ni mama. Nakita ko non si mama papalapit kung saan nasaan ako habang hawak ako sa braso ng isa sa mga bisita niya pero hindi niya man lang ako pinansin o kaya ay ipinakilala sa mga kumare niya niyaya niya lang silang pumunta sa terasa at tinulak pa niya ako sabay tingin sa akin na parang galit pa.

Nung araw din na yun ng makauwi ang lahat ng mga bisita niya ay hindi niya man lang ako tinignan sa kwarto o kaya ay tinanong kung ayos lang ba ako.

Patay na ang lahat ng ilaw sa bahay ng tahimik akong lumabas sa kwarto para tignan kung tulog na ba sila mama at ate. Sinilip ko si ate sa kwarto niya para makita kung ayos lang ba siya pero sa mga oras na yon naisip ko sana pala hindi ko nalang tinignan. Kasi nakita ko kung paano siya basahan ni mama ng storya bago matulog nasa labas ako ng kwarto nakaupo habang nakikinig sa storyang binabasa ni mama. Hindi ako pumasok kasi sasaktan niya ulit ako kapag pumasok katulad nung ginawa niya sa akin noon.

Ng wala na akong naririnig na boses ni mama ay bumalik ako sa kwarto na umaasang pupunta rin si mama don para basahan ako ng storya kahit na alam kong hindi naman mangyayari yun.

Ng wala pa rin akong naririnig na pumasok sa kwarto pagkalipas ng ilang oras ay naiyak na lamang ako sa kwarto ko nung gabi na iyon kasi nasasaktan ako. Nasaktan ako dahil kay mama imbis na sa braso ko na hanggang ngayon ay namamaga pa rin at kita ang bakas ng kamay ng isa sa mga bisita ni mama na humawak sa braso ko kanina.

PAANO NAMAN AKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon