Two

32 1 0
                                    

Ika-labingwalong kaarawan ko ngayon pero wala akong kasama kasi lumabas ngayon sila mama at ate para bumili ng susuotin ni ate sa kaniyang prom. Masaya kaya sila ngayon habang ako nandito sa kwarto at mag-isang ipinagdidiwang ang kaarawan ko. Patuloy ang pag-agos ng luha ko habang hinihipan ang kandila sa ibabaw ng isang tinapay na nabili ko lang sa tindahan bago umuwi kahapon galing sa paaralan.

Naalala ko pa noon kung gaano ka bongga ang pagdiriwang ng kaarawan ni ate. Meron siyang napakalaking keyk samantalang ako ni minsan hindi nagkaron ng keyk sa aking kaarawan. May magarbo siyang damit. Mayron siya maraming bisita samantalang ako ni minsan hindi pinayagang magdala ng kaibigan sa bahay.

Dinig ko pa mula sa kwarto ang pagkanta ng mga bisita para sa kanya bago niya ihipan ang kandila mula sa isang malaking keyk. Nakikinig lamang ako mula sa kwarto kung paano sila magkasiyahan kasi bakit pa ako lalabas kung mas maiinggit lang ako kapag nakita ko yon. Sa pakikinig pa nga lang naiinggit na ako kay ate paano pa kung nandoon ako at pinapanood siya habang pinagdiriwang ang kanyang kaarawan.

Pinaghahanda pa siya ni mama tuwing kaarawan niya samantalang ako ni pagbati ni mama wala hindi ko nga alam kung naaalala niya pa ba kung kailan niya ako isinilang.

Masakit isipin na ako lang yung nakakaalala ng sarili kong kaarawan. Pero mas masakit isipin na yung taong nagsilang sayo hindi na maalalang may isa pa siyang anak na isinalang sa araw na to. Isang anak na ang munting hiling ay maalala siya na kanyang ina.

Isang yakap mula kay mama sapat ng regalo para sa araw na to.

PAANO NAMAN AKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon