Pagkatapos kong sabihin lahat ng iyon akala ko yayakapin at hihingi siya ng tawad pero wala iniwan niya lang ako don habang si ate walang ginawa kundi panoorin lang kami.
Akala ko kapag sinabi ko lahat ng hinanakit ko magiging ayos na ang lahat pero hindi pala mali pala ako.
Napakalas ng alon ng tubig kapag ba sumama ako sa agos ng tubig na yon magiging ayos na ba lahat.
Isasama na ba nila ako sa mga bonding nilang dalawa. Yayakapin na rin ba ako ni mama. Iiyak ba siya pag nawala ako o matutuwa siya kasi wala na ako? Kapag ba nalunod ako ililigtas ba nila ako? Kapag ba nawala ako hahanapin kaya nila ako?Pagod na ako gusto ko na lang magpahinga.
Ayoko ng maghangad ng bagay na hindi ko alam kung darating ba.
Kasabay ng pagtakbo sa isipan ko ng mga tanong na yon ay ang pagtakbo ko palapit sa dagat at hinayaang alunin ako sa lugar kung saan may magbibigay ng pagmamahal na nararapat para sa akin.
Pagkapasok sa kwarto ng ina kung saan sila tumutuloy ay naiyak siya dahil nakalimutan niya, nakalimutan mayroon pa pala siyang isang anak.
Naging makasarili siya dahil sinisisi niya ang anak sa pagkamatay ng asawa kahit na alam niyang wala itong kasalanan. Niyakap siya ng anak at hinayaang umiyak ng umiyak ang kanyang ina sa kanyang balikat.
Kasabay ng paghagulgol ng ina ay kasabay rin ng pag-anod ng bunsong anak niya sa dagat.
BINABASA MO ANG
PAANO NAMAN AKO
Short Story" Ma, paano naman ako? " From the start I have always been the neglected child... So how will they know how I am, if from the start I never existed...