Three

34 1 0
                                        

Ilang taon pa ang lumipas at si ate ay umalis na sa bahay para bumukod. Gusto niya daw maranasan na tumira malayo sa pamilya niya kumbaga maging malaya.

Ako, nandito pa rin kasama si mama sa bahay. Hindi ko siya pwedeng iwan kasi hindi na siya bata, hindi na siya ganon kalakas tulad ng dati. Siguro kung noon pwede pa akong umalis kasi alam kong kaya niya yung sarili niya pero ngayon kailangan na may magbabantay at mag-aalaga sa kanya.

Kahit na umalis na si ate dito sa bahay ganon pa rin walang pinagbago. Hindi niya pa rin tinatrato katulad kung paano siya kay ate. Sa tuwing dadating ako mula sa trabaho sasalubungin niya ako kasi akala niya bumalik na si ate. Masakit yon pero ang mas masakit ay yung ekspresyon niya sa tuwing makikitang hindi ako si ate.

Minsan kapag dadalaw si ate dito ay lalabas sila ni mama para masulit nila yung araw na hindi sila magkasama. Hihintayin ko sila kahit gabing gabi na sila umuwi.

Hinihintay ko sila hanggang sa makatulog na lang ako sa sobrang antok at magising kinabukasan na nandon pa rin kung saan ako naghintay. Tapos biglang maririnig ko na may nagtatawanan sa kusina at sisilip ako para makita lang silang dalawa na masayang nag-aalmusal hindi man lang ako niyayang sumabay sa kanila.

Palagi na lang bang ganito kasi nagsasawa na rin akong umasa na mapapansin rin nila ako, na merong pang isang taong naghihintay ng atensyon mo mama.

Dadating pa ba yung araw na yun kasi napapagod na ako sa paghihintay na hindi man lang alam kung may aasahan ba ako. Pagod na ako gusto ko na lang matapos ang lahat.

PAANO NAMAN AKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon