Part 2

357 9 0
                                    

Pagmulat ko ng mata isang kwarto ang bumungad sakin hindi ito familiar sakin. Hindi ko masyadong matandaan ang nangyari kagabi dahil sobrang pag-inom ko ng alak basta ang alam ko lang may nakausap akong isang babae.

Aaminin ko maganda siya.

Ramdam kong may hang-over pa ako kaya napakapit ako sa ulo ko, medyo masakit pa nga ang ulo ko pero keri naman.

Aakmang aalis na sana ako sa higaan nang hindi ko napansin na may katabi pala ako.

Oh shit...

Nakapalupot ang kanyang kamay sa aking bewang kaya't hindi ako masyadong makagalaw.

Baka kasi kapag gumalaw ako magising.

Halata kasing pagod dahil ang lakas ng hilik niya at impyernes ang ganda niya. Unti-unti kong inalis ang kamay niya para hindi magising at lumabas ako sa kwarto niya.

Nilibot ko ang tingin ko mula sa simpleng bahay nakita ko ang kusina kaya pumunta ako dito.

Naisipan kong magluto para pambawi na rin sa kanya.

Tiningnan ko muna ang ref nito, Kinuha ko ang bacon, hotdog at itlog para lutuin. Pinrito ko ang itlog at bacon at pinakuluan ko naman ang hotdog. Pagkatapos kong lutuin ang mga ulam ay sinunod ko naman ang kanin nang matapos na ay inihanda ko na ito sa lamesa.

Bumalik ako sa kwarto para gisingin ang babae, hindi ko pa ito kilala kaya hindi ko ito mapangalanan. Wala naman akong matandaan na binigay niya ang pangalan niya sakin kagabi o sadyang hindi ko lang talaga matandaan dahil sa kalasingan ko.

Nang makarating na ako sa kwarto wala na siya sa kama niya.

What the-- na'san na yung babae na yun.

Nakarinig ako ng sunod-sunod na patak ng tubig sa sahig na nagmumula sa banyo niya na sa tingin ko ay naliligo ito.

"Hey.. woohoo" mahinang sigaw ko sa harap ng cr niya.

Dalawang beses kong inulit ang pagtawag sa kanya pero wala pa ring sumasagot, maaaring hindi niya iyon marinig dahil sa nakikisabay na patak ng tubig sa mga sahig.

Napagpasiyahan ko na lang intayin siya.

Umupo muna ako sa gilid ng kama at nilibot ko ang kwarto niya at may naka-agaw ng pansin sakin ang isang picture nang isang babae at lalaki na sa tingin ko ay siya 'yun at baka boyfriend niya ang kasama sa picture. Nakadikit ito sa salamin nito na may mga nakalagay na make-up kit at nakadisplay na halaman sa gilid ng nagsisilbing lamesa nito. Lumapit ako dito at tiningnan ko ito.

Siya nga iyun at malamang boyfriend niya.

Mga ilang minuto narinig kong nagbukas ang pinto na nagmumula sa banyo kaya't napatingin ako at bumungad sa akin ang isang babaeng nakasuot ng fitted white sando na dahilan para lumabas ang cleavage niya at short na lalong naglalabas ng kanyang kurba.

Medyo napatitig ako dito mabuti na lamang at nakabalik agad ako sa ulirat. Sa tingin ko hindi niya ako napapansin dahil busy ito sa pagpupunas ng kanyang buhok habang nakatuad, ilang sandali rin ay tumigil na ito sa kanyang ginagawa.

"H-hi." sambit ko dito. Tumingin siya sa gawi ko medyo nagulat siya dahil siguro akala niya walang tao.

"h-hey--" medyo nagulat. "--i thought you're not here" sambit nito sa akin habang sinasampay ang tuwalyang ginamit niya.

"nagluto lang ako sa kusina mo.. sorry hindi na ako nakapag-paalam na gamitin ang kusina mo. I cooked breakfast for you. Pambawi ko sayo."

"owww thanks, let's breakfast." pag-ayaya niya sa akin at sabay kaming umalis sa kwarto.

Kumain kami ng tahimik at medyo awkward ang convo namin habang kumakain kanina mabuti na lang at mabilis kaming nakatapos sa pagkain.

"thanks for the cook." sambit niya sa akin habang sabay naming inaalis ang aming pinagkainan.

"you're welcome.. and thank you din sayo." sambit ko sa kanya habang kinukuha niya ang hawak kong plato para hugasan niya.

"for where?" tanong niya sa akin.

Tinigil niya muna ang paghuhugas ng plato at humarap sa akin.

"sa pag-uwi mo sakin dito kahit hindi mo'ko kilala inuwi mo'ko sa bahay mo." sagot ko sa kanya habang nililibot ng aking mata ang buong kusina.

"not a big deal. Masyado kana kasing lasing kagabi, kaya inuwi na kita dito." saad nito sa akin at binigyan niya ako ng ngiti bago tuluyang mag-focus sa paghuhugas.

"what's your name?" pag-iiba ko dito. Binalik ulit nito ang tingin sa akin.

"Antagal na nating magkausap pero hindi ko pa nalalaman ang name mo." dagdag ko.

"I'm Dayana and you?"

"Roxanne..." nagshake hands kami at nagpakawala kami ng mga ngiti.

Pagkatapos nun ay pinokus na niya ang kanyang sarili. Ako naman ay naka-upo lamang sa tapat ng lamesa na hindi rin naman kalayuan sa kanyang hugasan ng plato.

Mga ilang minuto ay natapos na rin siya sa paghuhugas.

Niyaya niya akong manood ng tv at sumang-ayon naman ako.

Habang nanonood kami binalot kami ng katahimikan. Ilang oras na rin kaming nanonood. Hindi ko maiwasan ang sumulyap-sulyap sa kanya. Oo maganda siya. Nakakaakit ang kanyang mukha kahit na may edad na ito.

Inilibot ko ang tingin ko sa buong katawan niya. Napalundag na lamang ako sa gulat ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya.

"may madumi ba sakin?" tanong nito sakin ng mahuli niya akong nakatingin sa kanya.

"a-ah w-wala naman" utal na sagot ko sa kanya at ibanalik ulit ang tingin sa tv. Binigyan niya lang ako ng mahinang tawa.

Tiningnan ko ang relo ko 5:30 pm na. May pasok pa ako bukas. Masyado na akong napatagal sa bahay niya. Tumayo ako at agad din naman nagpa-alam sa kanya. Hinatid niya ako hanggang sa gate niya. Inoofferan niya akong ihahatid daw niya ako pero hindi ko iyun tinanggap.

"bye, Dayana.. thanks again." sambit ko sa kanya at niyakap ko siya.

"you're welcome.. if you have time free to visit me." sambit niya sa akin at bumitaw din agad ako sa pagkakayakap. Binigyan niya ako ng ngiti.

"r-really?" gulat kong tanong dito. Yun din naman ang gusto kong marinig sa kanya para kahit papaano makikita ulit siya. Tska wala pa akong masyadong impormasyon na nakuha sa kanya. Binigyan niya ako ng tawa at tango bilang sagot.

"my pleasure." sambit ko sa kanya.

Hindi ko ma-explain yung nararamdaman ko nang mga oras na yun. Magaan agad ang pakiramdam ko sa kanya kahit sa isang gabi at kalahating araw lang kaming nagkasama.

Binigyan ko siya nang mabilis na halik sa Labi, hindi ko alam kung bakit nagawa ko iyon. Kitang-kita ko ang pagkagulat sa kanyang mukha ng kumawala na ako sa halik ay mabilis din akong umalis.

Naglakad lang ako papauwi dahil wala akong dalang kotse and luckily magkaparehas lang kami ng street kaya't ilang minuto din ay nakarating na ako sa bahay ko, naligo muna ako at agad na dumeritso sa aking kwarto para matulog.

Falling In Love with Dayana (GirlxWoman)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon