2 weeks ago(Ngayon ay Biyernes)
Roxanne POV
Dalawang linggo na rin ng huli kaming magkita ni Dayana. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari. Kada-gabi hindi ko maiwasan ang malungkot. Palaging nag-pa-flashback sa akin ang mga masasayang memories namin ni Dayana.
Minsan nga nakakalimutan ko na ang kumain ng hapunan dahil dinadaanan ko na lang 'to sa tulog. Minsan sa school napapagalitan ako dahil madalas tulala. Grabe gan'to pala talaga kapag sobrang inlove ka sa isang tao; sa taong kahit kailan hindi pwedeng maging sayo. Never ko pa 'tong naramdaman sa mga ex ko. Sa kanya lang talaga ako nagka-ganito.
Nakauwi na rin ang Tita Mel ko nung Lunes. Yung surprise na sinasabi niya ay yung aso niya na napaka-cute. Lagi ko kasing nakikita yun kapag nag-vivideo call kami ni Tita Mel. Niri-qeust ko dati sa kanya na iuwi dito kaso minsan nakakalimutan niya and luckily ngayon ay di na niya kinalimutan at binigay pa niya sa akin. Argh Minsan nakakawala siya ng stress. Ang cute lang.
"What's wrong Rox?" Tanong sa'kin ni Tita Mel gamit ang aking palayaw, tawag niya sa akin Rox since nung seven ako. Nahahabaan daw siya sa name ko.
But i love it, cute huh.
"Wala po Tita" sagot ko at nginitian ko siya. Hindi namang pwedeng sabihin ko na broken ako. Hindi maniniwala yun last last last year pa ako ng malaman niyang may girlfriend ako.
Wait ba't parang ina-admit ko na naging girlfriend ko si Dayana? No no no.
Yes, alam niyang lesbian ako. Tanggap niya yun, kaya napaka-swerte ko sa kanya and alam din yun ni Dad.
They are the best kaya really thankful ako kay God.
"Really? Hmmm" Tanong ulit nito . Tumango-tango ako mabuti na lamang ay hindi na ito nangulit pero alam kung hindi siya naniniwala.
"Let's eat lunch" pag-yaya niya sa akin. Niligay mo muna sa mini-closet ko ang binigay niyang dress.
"What's our viand tita Mel?" Tanong ko habang sinasarado ang zipper ng closet ko.
"Menudo..." pag-kantang tugon nito sa akin tska nginitian ako.
"Oh may ghad, that's my fave!" Masayang kong sambit.
"I knowwww" malambing nitong sambit sa akin. Hinawakan ko agad ang kamay niya at agad na nagtungo sa hapag-kainan.
(Sa hapag-kainan | few minutes late but still eating)
"Hija what's your plan on your 18th birthday this coming month?" Tanong niya habang umiinom ng tubig. Oh shit nakalimutan kong birthday ko na nga pala sa next week."O-em, i forgot birthday ko na nga pala" napakamot ako sa ulo ko. Nakikita kong tumatawa si Tita Mel.
"Yeah debut.."
Sumubo muna ako ng menudo, my fave viand bago nagsalita. "I don't know tita"
"You don't know?" Tinaas nito ang kaliwa nitong kilay pero tumango lang ako sa kanya dahil wala naman akong planong mag-celebrate besides wala din naman pupunta kung magkaroon ng party.
"Well ako ang bahala. Maghahanda tayo kahit papaano ako na bahala. And bawal mag-reklamo?--" Tinaas niya ang kilay niya. "--Mag-iinvite na lang ako ng mga kaibigan ko. Please invite your friends honey."
"Okay po tita" ngumiti siya sa akin at parehas kaming nag-pokus sa pagkain.
Mga ilang minuto din ay natapos na kami sa pagkain, nagpaalam muna ako na papakain ko si Tom (name ng aso ko na binigay ni tita mel) at pagkatapos nun ay hinugasan ko muna ang pinag-kainan namin. Nang matapos pumunta ako sa couch kung saan nandun si tita nanood ng tv. I joined her.
"Kelan ka pala magbo-boyfriend?" seryoso niyang tanong pero kitang-kita ko na nagpipigil ito ng tawa.
"Tita.." medyo mataas kong boses na sambit sa kanya. Alam naman niya kasing Lesbian ako. Inaasar lang ako nito e. Lalo siyang tumawa ng malakas. Tumingin siya sa akin.
"Kidding" tumawa kaming parehas. I rolled my eyes to her pero tinaasan niya ako ng kilay. Parehas kaming tumawa ulit. Parang baliws lang.
"How about girlfriend?"
"I don't know" tanging nasagot ko dahil hindi pa naman ako handang magmahal ng bago.
Sariwang-sariwa pa rin ang sugat sa puso ko. Hindi na siya nag-tanong pa at nanood na lamang kami. Ito talaga ang gusto ko kay tita hindi masyadong mabungkal.
Sa resto
Nandito kami ni tita Mel sa resto kong saan dito unang kami huling nagkita ni Dayana. Dito kami magdi-dinner. Tinatamad daw siya magluto kaya i recommend this restaurant to her. Besides masarap ang mga pagkain dito.Nag-order kami ng 2 steak and 2 juice at kumain na.
Isang familiar na babae na naman ang nakita ko si-si Dayana with Joseph. They're have date. Nasa entrance pa lang ito at i think naghahanap ng free table. Napalingon ako sa mga kamay nitong magkahawak. Nakaramdam na naman ako ng kirot sa dibdib. Ba't ba kasi nagpakita ka pa? Teka hindi naman niya kasalan. enough Roxanne!
Nagtama ang mga mata namin ni Dayana agad ko din naman iniwasan yun. Para 'san pa kasi? Para lalong masaktan ako? No i can't handle this.
Natapos na kami sa pagkain ni tita ang luckily matagumpay kong hindi nilingon ang pwesto nina Roxanne and Joseph.
Umuwi na kami ni Tita Mel at napagpasiyahan din agad na matulog. We exchanged 'good night' before nagtungo sa sarili naming kwarto.
Dayana POV
Balak namin pumunta sa restaurant kung saan huling kaming nagkita ni Roxanne. My date kasi kami ni Joseph kaya ito yung ni-recommend ko.
Nasa entrance kami at naghahanap ng pwesto ni Joseph ng makita ko ang isang familiar na babae.
It's Roxanne. Dating a girl.
I think.
Grabe ang ganda niya talaga. I miss her it's been two weeks ng last ko siyang makita dito rin mismo sa resto. Nakita niya na magkahawak ang aming kamay ni Joseph kita-kita ko ang malungkot na mukha niya. Hanggang sa mag-tama ang mga mata naming dalawa na agad din naman niyang iniwasan.
I'm glad na nakahanap na siya ng magpapasaya ng puso niya. Dapat nga maging masaya ako sa kanya pero bakit nakakaramdam ako ng kirot sa dibdib? Am i jealous? Hindi ko mamukhaan ang babaeng kasama niya dahil nakatalikod ito pero bakit parang familiar? Nakahanap na kami ng free table at hindi ko pa rin inaalis ang tingin kay Roxanne.
"What's wrong?" Tanong ni Joseph hindi ko alam na tulala na pala ako. I shook my head and i gave him small grin.
Binalik ko ulit ang tingin sa pwesto ni Roxanne pero wala na sila. Huminga ako ng malalim at nagpokus na lang sa pagkain hanggang sa matapos na kami.
Umuwi din agad kami at natulog.
BINABASA MO ANG
Falling In Love with Dayana (GirlxWoman)
Short StoryYoungxAdult • GirlxGirl • ShortStory