Chapter One

59 0 0
                                    

TALLA checked her appearance sa pocket mirror niya at sinigurong maganda siya at maayos ang suot at hitsura niya bago siya nagbigay ng warning knock sa opisina ng gobernador ng lalawigang iyon, ang Sta Monica.

Natagalan pa siya sa pagpili ng tamang susuotin. Isa iyong tailored business attire na kulay old rose na blouse and skirt na may blazer, the cut of the blouse and the skirt, emphasizes her sexy curves, medyo napaiksi nga lang ang skirt niya, kaya ngayon siya napaisip dahil dapat yata ay nagsuot siya ng stockings. Hantad tuloy ang malalabanos niyang mga legs. And the blouse, vneck iyon na bahagyang nasisilip ang cleavage niya.

Pero nandito na siya at hindi na siya puwedeng magpalit pa ng damit dahil alas nuwebe ng umaga ang appointment niya sa gobernador. Sinikap niyang kalmahin ang sarili, it's just him aniya sa sarili.

Pilit niyang iwinaksi ang biglang pagbilis ng tibok ng puso niya ng buksan niya ang pintuan at makita niya ang guwapong mukha ng gobernador, Governor Angel Dela Cuesta.

The smoking hot and handsome governor of Sta Monica na walang babaeng hindi napapatanga kapag nakakadaupang palad nito. With his good looks, hunk and sexy body, and of course with his wealth, maraming nagkakandarapa ditong babae. He is not only gorgeous but also a well respected public servant in their province na ngayon ay nasa ikalawang termino na nito bilang gobernador.

At alam iyon ni Talla. Kahit may apat na taon na mula ng umalis siya sa lugar nila, at sa Maynila na siya nanirahan, ay may balita pa rin siya tungkol sa gobernador dahil ang kuya niyang si Toby ay nagtatrabaho dito bilang sekretarya nito at personal assistant na rin. Ito ang right handman ng gobernador. Tila sa magkapatid ang turingan ng dalawa.

At sa tuwing tatawagan siya ng kapatid ay bukambibig nito ang gobernador. Na napakabait nito at napakahusay na gobernador. At alam din ni Talla iyon, never niyang pagdududahan ang kakayahan at pagkatao ng binata. Angel Dela Cuesta is a good man, she knows that too..

"H-hi"she managed to say ng mag angat ito ng tingin, at gusto niyang batukan ang sarili dahil "hi" lang ang sinabi niya nag stammer pa siya, paano kasi'y lalong bumilis ang tibok ng puso niya ng magtama ang tingin nila.

Jusko, bakit kasi ang guwapo nito, shit, kapit lang panty ko huwag kang malalaglag!

Alam niyang guwapo ang binata, pero Lord, bakit ganoon..four years older, he's around thirty one now pero lalo lang itong gumandang lalaki!

And so she gave her sweetest smile, na dagling naglaho ng isang balewalang tingin lang ang ibinigay nito sa kanya. Ni hindi siya nginitian. At muli nitong ibinalik ang atensyon sa pinipirmahang papeles na para bang wala siya roon.

Nag iinit tuloy ang pisngi niya sa pagkapahiyang naramdaman. He literally snobbed her! At hayun nasa gitna lang siya ng opisina nito at parang tanga na nakatayo lang doon. Mabuti na lang at sila lang dalawa ang nasa opisina nito at walang ibang tao dahil kung hindi ay baka kanina pa siya lumubog sa kahihiyan sa pambabalewala sa kanya ng binata!

Nang sa palagay niya ay hindi na talaga siya nito papansinin o kakausapin ay hindi na siya nakatiis. Dahil jusko may two minutes na yata siyang nakatayo doon at nangangawit na ang mga legs niya sa suot na three inches stilletos!

She cleared her throat hoping na makukuha niya ang atensyon nito. Pero wala. Then she faked a cough, pero wala pa din. Tila lang siya hangin sa harap nito na hindi nito nakikita o naririnig na ikinairita na niya.

Sa inis niya at pagkapahiya sa sarili ay nilapitan niya ang mesa nito at ang dalawang kamay ay galit niyang itinukod sa mesa nito.

"Go on, huwag mo akong pansinin hangga't gusto mo! Alam mo bang pinakiusapan lang ako ni Kuya Toby na ako muna ang papalit sa posisyon niya at nag aalala siya sa iyo dahil mawawala siya ng tatlong buwan dahil sa pagpapakasal niya at honeymoon!"nangigigil niyang sabi at lalo siyang nairita when she saw that he took his time putting down the pen he is holding at walang pagmamadaling tumayo din.

ANGEL'S TALLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon