HABANG nagsasalita sa stage si Angel ay walang kakurap kurap na nakatitig si Talla. She was so amazed how dignified and respectful he looks as Sta Monica's governor.
Napakahusay nitong magsalita sa harap ng mga tao, his speech is full of compassion and concern sa mga nasasakupan nito. Imbitado lahat ng mayor ng mga bayang sakop ng lalawigan at nagbigay ito ng awards sa ilang mga mayor na may mga naacomplish na major achievements sa kani kanilang bayan.
She looked around her. Patunay ang mga mamamayan ng bayang iyon na ngayon ay nakikita niya na may admirasyon at paggalang sa batang gobernador. Deep inside her heart she felt so proud, kahit noon pa, she knows in her heart that Angel would reach his dreams of becoming a dignified and well respected public servant.
This is the side of him na hindi na nakuhang makita noon ni Talla. And the thing that she did that she will forever regret. Because she left him...
Unknowingly ay napadaing siya sa sakit na umahon sa dibdib niya at nag init ang sulok ng mga mata niya, mabuti at nakashades siya at walang makakakitang naiiyak siya. At mabuti rin at hindi siya napapansin ni Raine na isang upuan ang pagitan nila, dahil abala ito sa pagvivideo nito sa cellphone sa kasintahan nitong nag iispeech.
"Ineng ayos ka lang ba?"tanong ng ginang na katabi niya na ikinalingon niya.
" Po?" takang tanong niya.
"Kako may masakit ba sa iyo ineng, dinig ko ay tila ka dumadaing sa sakit" anang ginang na napahumindig si Talla. Napalakas ba ang pagdaing niya kanina? Siguro nga dahil narinig ng ginang.
She cleared her throat, sumasakit kasi iyon sa pagpipigil niyang mapaiyak.
"Ahm..ano po kasi, medyo masama po kanina pa ang pakiramdam ko" pag aalibi niya pero parang totoo din, dahil sino ba naman ang hindi sasama ang pakiramdam sa nakita niya kanina sa kotse na maalab na paghalik ni Angel sa kasintahan nito.
And now, seeing him so successful in his career, hindi sa ayaw niya, God knows how much she had wanted this for Angel..ang pinaka masakit lang ay hindi na siya bahagi ng buhay ng binata at hindi na magiging bahagi pa, dahil may Raine na ito. At sa loob ng tatlong buwan ay ikakasal na, nakahanda na ang lahat, nakita niya ang petsa sa invitation, ikakasal ito sa araw na matatapos ang pagrereliever niya sa Kuya Toby niya. Dahil dadaluhan ng kuya niya ang kasal ng gobenador at iyon na ang araw na kailangan na niyang umexit.
Maigi na din iyon at ng hindi niya masaksihan ang kasal nito. Tiyak niya magiging isang malaking selebrasyon iyon sa bayan ng Sta Monica dahil lahat ay makikisaya sa napakasayang araw na iyon sa buhay ng gobernador nila. Finally ang magkaroon ng first lady ang lider ng lalawigan nila. Angel's first lady.. lalong kumirot ang dibdib niya. She used to be that woman.. lalong nagtubig ang mga mata niya.
Napailing siya, walang saysay ang magsisi dahil huli na.
"Mukha ngang masama ang pakiramdam mo ineng tingnan mo at napaiyak kana" anang ginang at inabutan siya ng tissue na nasa pouch nito mula sa handbag.
"Ano pong-" jusko, hindi niya napansin at nalaglag na pala ang mga luhang pinipigilan niya!
Inabot niya ang tissue at mabilis na pinahid ang mga luhang nalaglag sa pisngi niya. "Salamat po, kailangan ko lang po sigurong inuman ito ng gamot, hehe napaiyak pala ko hindi ko napansin, sobrang sakit lang po kasi ng ulo ko.." at ng puso ko..
Hindi na niya tinanggal ang shades niya na nginitian ang ginang, baka kasi makilala pa siya at magkagulo. May ilan nga na napapatingin sa kanya at nag aalala siyang baka makilala siya kahit nakashades siya kaya kailangan niyang mag ingat. Ngitian din siya nito at siya naman ay muling napatingin sa entablado. Her eyes still with tears.

BINABASA MO ANG
ANGEL'S TALLA
RomanceAngel loves Talla. But that was before. Now that Talla is back in Angel's life but not as his love but only as his personal assistant/ bodyguard. And he's getting married! Will Talla be able to bring back the love that she had lost?