"I-I LL DRIVE?" hindi makapaniwalang bulalas ni Talla ng bigla na lang iitsa sa kanya ni Angel ang susi ng SUV nito at muntikan pa niya iyong hindi nasalo dahil nabigla siya ng nasa parking lot na sila ng kapitolyo. May awarding ceremony na dadaluhan ang gobernador sa umagang iyon ng Lunes.
At hindi niya alam kung nasaktan ba siya dahil inuutusan siya nito o dahil kanina pa naglalambutsingan sa harap niya ito at ang fiancee nitong si Raine habang nakasunod siya ng naglalakad sila papunta sa parking lot. Kung makaangkla kasi si Raine sa binata, akala mo naman ay aagawin niya ito mula dito.
Kanina todo ngiti sa kanya ang babae at tila nastar struck ng makita siya at makilala, ang bait pa sa kanya, at gusto pang magpapicture kasama niya, pero ng malaman nito ang dati niyang relasyon sa gobernador ng walang kaabug abog iyong sabihin ng binata ay iniismiran siya nito sa tuwing mapapatingin sa kanya at ang talim pa ng tingin.
Mukhang alam ni Raine na dating nagkaasawa na ang gobernador. Pero ang hindi nito alam siguro ay kung sino at nagulat ito ngayon ng makilala kung sino ang naging asawa nito. Na isang artista at siguro din ay iniisip nitong baka landiin niya ang boyfriend nito. Kung alam lang ni Raine na, wala lang choice ang gobernador kaya nandoon siya ay baka maglulundag sa tuwa ang babaeng ito. Na halos ipagtabuyan siya kanina ng binata.
At ito namang gobernador na ito, ke aga aga ang harot, panay ang himas sa balakang ni Raine at ng humimas iyon sa pang upo ng babae ay gustong umusok ng bumbunan ni Talla. Pero kapagkuwan ay natigilan siya.
Nagseselos ba siya? Napailing siya. No way! Siya at si Angel ay closed book na, kaya hindi siya dapat makadama ng ganito. Pero hindi naman niya napigilang mapasimangot. Iyon ang nakita ni Angel na hitsura niya ng bigla itong lumingon sa kanya at iitsa ang susi ng sasakyan nito.
"Bakit ayaw mo? Toby is the one who drives my car kapag may kasama ako. Hindi ba't ikaw ang reliever niya? Or ayaw mo na? Sabihin mo na ngayon pa lang kung hindi mo kaya, para makahanap ako ng papalit sayo" hamon sa kanya ng binata, his gaze piercing at nararamdaman ni Talla ang pag iinit ng kanyang pisngi sa titig na iyon ng binata.
Kumirot ang dibdib niya. Harapan na kasi ang disgustong ipinapakita sa kanya ng binata. But what does she expected? Na magiging maamo ito sa kanya pagkatapos nilang maghiwalay? Siya na rin ang humamig sa sarili niya. Hindi kailangang maging sentimental siya. At saka tama ito, trabaho iyon ng kuya niya. Naibrief iyon sa kanya nito na madalas ay ito ang nagdadrive para sa gobernador kapag may kasama ito or may mahabang biyaheng pupuntahan. Pero kung minsan naman daw ay ang gobernador mismo ang nagdadrive. Ayaw daw nito na kumuha pa ng personal driver.
Pero alam ng marami na isa siyang celebrity at hindi lang basta celebrity, isang sikat na action romance actress, kaya may image siyang dapat ingatan. Imagine nga naman, ang sikat na artistang si Talla Concepcion, nagtatrabaho bilang driver, alalay, bodyguard ng isang politician, baka pagpiyestahan pa iyon ng press at sumugod dito kapag may nakaalam.
Bakit nga ba hindi niya iyon naisip na magiging konsekwensiya ng pagtanggap niya ng trabahong ito. Anytime na may makakilala sa kanya ay puwedeng umabot sa press. Nang malaman niya kasing ikakasal na si Angel ay naroon ang pagnanais niyang makita ito, kung bakit ay hindi niya alam. At pagkakataon ang inaalok ng kuya niya na trabahong ito para makasama ito, bago man lang ito ikasal..sa iba.
Nagulat siya kanina ng tila balewala lang nitong iannounce kay Raine na siya ay ex wife nito. Kaunti lang ang mga nakakaalam na dati ng ikinasal ang batang gobernador ng Sta Monica and it was also in the news ng wala pa mang isang taon itong ikinasal daw ay nagkahiwalay na ito at ang asawa nito. And then tila isang black out news ay hindi na iyon pinag usapan pa sa bayan ng Sta Monica. Katulad ng kung paano siya umalis noon sa bahay nila ng dating asawa niyang si Angel dela Cuesta, ay tila naging isang saradong aklat na iyon sa buhay ni Talla.
BINABASA MO ANG
ANGEL'S TALLA
RomanceAngel loves Talla. But that was before. Now that Talla is back in Angel's life but not as his love but only as his personal assistant/ bodyguard. And he's getting married! Will Talla be able to bring back the love that she had lost?