Chapter Five

19 0 0
                                    

TUMAHIP ang dibdib ni Talla ng matanaw si Angel na pababa ng kotse nito. At kasabay niyon ay isang matamis na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Angel looks as always very good looking in his casual faded jeans and blue long sleeves.

It was the first time seeing him after ng aksidente niya. It has been a month na hindi siya nakapasok and she missed him terribly. Na kahit halos hindi siya nito pansinin sa klase nito ay hindi siya nawawalan ng pag asa na balang araw ay mapansin din siya nito.

Tuwing recitation lang niya ito nakaka eye to eye contact, kasi siyempre nga naman kailangan siya nitong tignan kapag nagrecite siya. Kaya naman kahit minsan hindi niya gaanong alam ang mga sagot sa mga itinatanong nito ay taas siya ng taas ng kamay. Ganoon siya kadesperado, para lang mapansin nito. Minsan tinatawag naman siya nito pero madalas ay hindi. Laging yung ibang estudyante ang tinatawag nito.

Nasupalpal nga siya nito nitong huli bago nangyari ang aksidente niya, dahil taas siya ng taas ng kamay at ng tawagin naman siya nito ay nakalimutan niya ang isasagot dahil natulala na siya sa kaguwapuhan ng binata na noon ay mataman na nakatingin sa kanya. His expressive and gorgeous dark eyes is melting her..kaya tuloy iba ang naisagot niya.

"Miss Concepcion, hindi ito pahulaan, if nanghuhula lang kayo ng isasagot sa tanong ko at hindi kayo sigurado, better not raise your hands and please wear something decent at my class at hindi rin beauty pageant ang klase ko para magmake up kayo ng ganyan kakapal " seryosong sabi nito na si Talla ay namutla dahil sa pagkapahiya, at ang mga kaklase niya ay nagtawanan pa.

"And class, this applies to all, kaya huwag kayong magtawanan diyan" suplado pa rin nitong sabi. Yes, binawalan naman nito ang mga kaklase niya na huwag siyang pagtawanan but still, napahiya siya...namumuo ang luha na napayuko siya at walang lingon na lumabas ng klase nito. Wala na siyang pakialam kahit nasa kalagitnaan sila ng klase.

Sa hardin ng school ay umupo siya sa isa sa mga benches doon at pinalaya ang mga luha niya. Classtime pa kaya walang gaanong tao sa paligid, may mangilan ngilan na nakaupo sa ibang benches ang iba ay nagrereview siguro o may ginagawang assignment para sa next subject.

Niyuko niya ang sarili while tears are brimming at her cheeks. Yes, medyo daring ang suot niya, maong miniskirt na naghahantad ng makinis at mapuputing legs at hita niya, at Vneck three fourth blouse nga but her cleavage is peeking dahil sa mababa ang neckline niyon, with matching three inches red wedges, kumbaga obvious na nagpapasexy siya and yes nag memake up din siya, lahat naman halos ng kaklase niyang girls ay nakamake up at ang iba nga ay ganito rin manamit pero bakit tila sa kanya lang mainit ang dugo ng propesor nila?

Ano bang masama sa suot at ayos niya? Gusto lang naman niyang maging maganda at sexy sa paningin ni Angel. Pero tila lagi itong naaalibadbaran tuwing makikita siya. Siguro ay naiinis ang binata dahil siya lang ang hindi natitinag sa mga pambabara at pag iwas sa kanya ng propesor nila. Noon kasing bagong pasok ni Angel bilang magiging bagong propesor nila sa Accounting at Audit class nila last year ay halos lahat ng girls sa klase nila at maging sa ibang mga sections ay nagkagusto sa binata. Sa kalaunan ang ibang mga girls ay huminto na sa pagpapacute sa propesor dahil wala namang nararating ang kahit anong pacute ng mga ito, at ikinatuwa niya iyon at least wala na siyang magiging karibal, dahil siya na lang yata ang hindi pa sumusuko at hinding hindi siya susuko.

Dahil wala naman siyang nababalitaan na may girlfriend na ito kaya naman lahat ginawa niya. Sa buong dalawang sem last year ay halos sakto lang niyang maipasa ang mga subjects niya, siguro dahil distracted at busy siya para magpapansin sa propesor nila. Dati naman ay average ang mga grades niya, hindi kataasan pero hindi naman sobrang mababa. Pero mula ng maging propesor niya ang binata ay nagulo na ang lahat sa kanya. Wala na siyang inatupag isipin kundi kung paano siya nito mapapansin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ANGEL'S TALLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon