Chapter Four

26 0 0
                                        

"KRISTALLA!" tili ni Nana Dalen ng mapagbuksan siya ng gate. "Jusko hija ikaw nga!" tuwang niyakap siya ng matanda na siyang naging yaya nilang dalawa ng Kuya Toby niya. Ito rin at ang asawa nitong si Mang Bert ang tumatayong taong bahay sa ancestral house nila dahil madalas silang wala dito ng kuya niya, lalo na siya.

May isang taon na yata bago siya nakauwi ulit dito. Habang ang kuya naman niya ay once a week lang nakakauwi, iyon ay tuwing day off lang nito. Kasi nga ay stay in ito sa bahay ng gobernador kapag weekdays. Muli na namang kumirot ang puso niya ng maalala na pinauwi siya ni Angel at ayaw siyang maging stay in sa bahay nito. At iyon ay dahil siya iyon, siguro kung iba ang nasa lugar niya ngayon ay walang kaso kay Angel, pero kapag siya ay ayaw nito. Ipinilig na lang niya ang ulo upang itaboy iyon sa isipan.

Pero natutuwa siyang nag asawa na ang kuya niya, dahil dito na titira ang asawa nitong si Almira, kaya naman magkakaroon na ng maybahay ang tahanan na ito. Natawa pa nga siya sa kuya niya dahil itinawag pa talaga sa kanya nito na tila hinihingi ang permiso niya na doon titira ito at ang asawa nito pagbalik mula sa honeymoon. Bilang panganay ay talaga namang sa Kuya Toby niya mapupunta ang bahay na ito. Pero sabi ng kuya niya, hati daw sila doon, na napakalaki daw niyon para sa magiging pamilya nito.

Totoo naman, malaki ang bahay na iyon na minana pa ng papa niya sa lola niya pero walang kaso sa kanya iyon kahit ipamana pa iyon ng buo ng papa niya sa kuya niya dahil wala siyang balak manirahan ng Sta Monica. Talagang itong tatlong buwan lang na ito na pagtatrabaho niya kay Angel ang ilalagi niya ng bayan nila. Ano yun, hindi niya kaya habang kasal na ito ay nandoon pa rin siya. Ang makita ito sa piling ng iba, hindi pala niya kaya.

Pilit niyang hinamig ang sarili. Magsisi man siya ay talagang huli na..dahil tuloy na tuloy na ang kasal ni Angel kay Raine. He even announced it to the whole town sa event kanina..and dedicated his award to Raine..the most important woman in his life ang sabi pa nito.. lalong tila may pumiga sa puso niya..

"Nana Dalen" niyakap niya rin ng mahigpit ang matanda. Namiss niya ito.

"Bakit hindi ka man lang nagpasabing bata ka na darating ka ngayon? Di sana nakapag handa ako ng masarap na tanghalian. Teka alas dos na din nakapag lunch ka na ba?" tanong ni Nana Dalen.

Siya naman ay tila may kumudlit na naman sa puso niya ng maalala kung paano siyang pinaalis kanina ni Angel. Ni hindi siya pinakain! Gutom na gutom tuloy siya kanina sa fastfood.

"Teka bakit parang mugto yang mga mata mo? Umiyak ka ba?" pansin ng matanda. Nakaisip naman siya kaagad ng idadahilan.

"A ito ba Nana? Kasi may bagong script akong inaaral, may crying scene kaya nagpraktis ako kanina kaya heto"pinilit niyang ngumiti para wala itong mahalata.

"Ganoon ba? O siya sige, akyat kana muna sa silid mo, lagi ko naman iyong nililinis. Dalhan kita ng meryenda mamaya. At saka dalasan mo hija ang pag uwi namimiss ka namin lagi dito" masuyong sabi ni Nana Dalen na ginantihan niya ng isa uling yakap dito.

"Oo naman Nana"nakangiting sabi na lang niya.

"Ganyan din hija ang sinabi mo noon e, pero aba may isang taon na iyon ah ngayon ka lang nakauwi ulit" tila nagtatampong sabi nito.

Naglalambing na inakbayan niya si Nana Dalen. "E sensya na Nana, nabusy lang po sa trabaho."

"Ikaw talagang bata ka" napangiti na rin ang matanda. 

SIYA naman ay agad na umakyat sa silid niya because she is feeling unwell. Ang gusto lang niyang gawin ay magmukmok at umiyak ulit.

Pagkapasok sa silid niya ay agad siyang sumubsob padapa sa kama niya. Habang ang mga mata niya ay muli na namang nagtubig at ilang saglit pa ay nabasa na ang unan niya ng mga luha niya. Muling kumirot ang puso niya hindi lang dahil sa hindi siya pinakain ni Angel kundi higit lalo dahil ayaw siya nitong maging stay in sa bahay nito. Because it means she lost her chance na makita ito at makasama ng mas matagal.

ANGEL'S TALLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon