Kab 3- Night changes

118 5 1
                                    

"Mhie, andito na yung gagawa ng bahay. Asa baba na sila" ani Carlo. Ire-renovate 'tong buong bahay kaya inalis muna namin lahat ng gamit at kumuha muna ako ng paupahang bahay. "Sige Carlo, bigyan mo muna sila ng inumin at ibaba ko lang 'to" one month na akong andito sa Pinas at 2 weeks na magmula ng maglipat kami.

Ang bilis ng panahon, parang dati lang andito kaming lahat masaya at kontento. Pero ngayon those good times would just turn into memories. After I repaint and reconstruct this house sana new and amazing memories would come to life.

"Hi, thank you for helping me Architect. Kayo ng bahala sa bahay, just contact me pag may problem or what." I shook the hands of Architect Chels. Siya at ang boyfriend niyang Engineer ang gagawa ng bahay namin.

"No prob Mami Vee, I mean Ma'am Vee" natawa ako, hindi sya sanay maski ako. Well, Chels is one of our fan dati way back nagm-ml pa ako. At ngayon isa na siyang architect. Ang bilis ng panahon, for the past three years ang dami ng nangyari. And I can't deny the fact na madaming pangarap na ang natutupad.

"Tara na Carlo, bye Chels. Update mo na lang. I'm happy I got the chance to work with you." inilibot ko ang mata ko bago lumabas bitbit ang kahon. After ng ilang months ay magagawa na 'to, new look, new home.

"Kayo muna bahala sa bahay, Carlo. Pupuntahan ko ang Vee Esports, work-work-work na ang lola nyo" after ko mag pro scene ay huminto muna ako. Pero dahil playing games are really my most passionate dream, hanggang ngayon nasa larangan pa rin ako ng paglalaro. Pero dahil matagal akong nawala sila Carlo muna ang nagasikaso sa mga pa-tournaments na naganap.

"Osige ma, sinabi ko naman na sa'yo yung mga importanteng details at saka nga pala ma kinukuha ka pa rin bilang  player or game analyst ng black at onic. Sana pagisipan mo" yeah, since Onic ang unang team na sinalihan ko noon sa mpl and somehow being their team captain for a long time somehow ay nakita sila ng potential sa'kin. Black on the other hand, I don't know if I should take their offer. Knowing na he still plays for them.

"Yes Carlo, I'll keep that in mind. Salamat sa pagpapaalala." the entire ride going to the new house was silent. Pinilit kong pagisipang mabuti kung saan akong team dapat pumunta. Kahit noong asa Japan ako ay may team ako doon kaso bago ako pumunta rito ay umalis ako.

"Tori, may ichichikka ako sa'yo. Free ka sa lunes?" gabi na at naisipan kong ayain si Tori kumain sa lunes. Friday ngayon at wala talaga ako halos gagawin pa. Simula ng uminom ako kasama sila ni Camille ay hindi pa ulit kami nagkita.

"Sure mhie, free ako nyan alam mo naman basta ikaw, charurut" pabirtong anya. "Ang dami kong ichichikka  sa'yo ma, daming gumugulo sa isip ko" aniko. "Ma, nakausap ko na pala si Iyaknu free rin yata sila sa lunes ng umaga hanggang hapon. Scrim nila ng gabi non. Isama ko ba sya?" tanong nya. Tumaggal si Iykanu sa team nya, after ng Onic ay napunta sya sa RSG. "Oo naman mima, i-chikka mo na sakanya pero wag mong sabihin na kasama ako ha" dahil gusto ko pa rin syang i-surprise.

"Sige mhie, sige na babye na at ako'y nagstre-stream pa. Don't worry naka-mute ako, see you sa lunes mima" Tori said at binaba ang tawag. Friday pa lang at wala pa naman ako ulit gagawin. Ilang minuto rin akong walang ginawa nang mapagisipan kong panuodin ang past games ng MPL PH. After ng M3 ay hindi na muli pa akong nakanuod ng mga naglalaro rito sa Pinas ng ML.

Sinumulan ko ang panunuod noong season 9 at iba pang liga katulad ng Just ML at Juicy Legends. Sakit sa mata pero kaya naman. Hindi ko namalayan ang oras dahil matagal tagal din ang lahat ng laban. Ang daming players ang na-trade sa iba't ibang teams. Madami rin ang nadagdag at may ilang nagretiro na.

Till The EndWhere stories live. Discover now