1 hour na kaming ngstre-stream pero halos tatlong laro pa lang ang nalalaro namin. Malapit na rin maghapon. "Mga nakshoes last g na namin siguro 'to, may scrim pa kasi sila mamaya kaylangan ng magpahinga" ani ko habang nakatinggin sa monitor at naka handang magbasa ng comments.
"Aww sayang naman po"
"When po kayo ulit magli-live sa page nyo?"
"Alam po ba ni Wise na asa Pinas na kayo?"
Does he know? Ayokong sagutin 'yung tanong. Hindi ko alam ang sagot at isa pa knowing ang mga tao, wag na lang. "Live, Hindi ko pa sure mga nakshoes eh, follow ninyo lang ako para updated kayo sa mga happenings in life ko"
After ng 20 mins ay natapos na ang laro, "So ayun guys, tapos na tayo sa live ngayon. Support nyo kami sa upcoming matches sa MPL" ani Iyaknu habang kumakaway sa cam. "Bye guys! salamat sa buhat!" pagpapaalam naman ni Tori. "So ayun mga nakshoes, thank you sa pagtambay sa live ni Iyaknu! Support nyo sila sa matches nila! see you again mga nakshoes! Bye-bye!" nag-gesture ako ng flying kiss at kumaway sa cam.
Na-end live na silang lahat at nagusap tungkol sa practice nila mamaya. Habang kami naman ni Tori ay nagaayos na ng gamit upang makauwi na. "Picture tayo, Vee" ani Tori habang hinahatak si Iyaknu. "Gora ma, walang katapusang picture ha. Mukhang mami-miss nyo ko agad" natatawang sabi ko.
"Post ko 'to later" tinignan ko ang mga pictures sa phone ko. "Hmm, sige na uwi na kami. Bong, practice mabuti ha, chat mo lang ako" ani ko habang ibinuka ang braso ko upang yakapin siya. "Ingat kayo, chat nyo'ko pag nakauwi na kayo. Punta ka sa match namin Momshoes ha?" tanong ni Bong. "Chat kita, try ko Bong. Pero pupunta ako kung kaya" ani ko at tumango naman sya.
Inihatid nya kami sa labas at inintay na makasakay kami sa sasakyan bago sya kumaway. Binuksan ko ang bintana at kumaway sa kanya, "Ba-bye" ani ko. "Anong feeling Ma?" tanong ni Tori. "Masaya, nakita ko na ulit kayo, si Iyaknu" ngiti kong sabi. Tumango naman siya at humarap sa bintana ng sasakyan.
"Tori, Onic and Black pareho nilang cinontact si Carlo regarding sa'kin, game analyst or player" pagbukas ko sa usapan. "Hala ka Vee, ang laking usapin nyan. Ikaw, ano bang gusto mo?" tinignan niya ako. "Naguguluhan pa ako, parehong may istorya at papel sa buhay ko. Nagdo-doubt ako, sa black alam mo namang hindi pa kami ayos, sa Onic naman hindi ko na alam. Naguguluhan ako" seryoso kong sabi.
"Choice mo 'yan Vee, isa lang ang masasabi at maipapayo ko sa'yo. Piliin mo kung saan kaya nito at nito" tinuro niya ang utak at puso ko. "Wag kang magpakain sa dati, you must conquer the past to be able to ride the new waves of your present and future." sabi ni Tori at saka tinapik ang braso ko.
Tumango na lang ako at hindi na muling nagsalita pa. Ilang minuto pa ng matanaw namin ang destinasyon na babaan ni Tori.
"Osya Vee, dito na lang ako. At ako'y pupunta muna sa bahay namin. Chat ka samin ni Iyaknu pag nakauwi kana ha, ingat ka bakla" anya at bumaba na. "Bye Tori, thank you ng madami legit" sabi ko at kumaway sa'kanya.
"Pa, asa bahay na po ako" mahinang sigaw ko. Gabi na at kararating ko lang sa bahay. Nadatnang kong kumakain sila kaya't nagmano ako at sinabing didiretso na ako sa taas dahil busog pa ako.
Nagpapatuyo ako ng buhok habang hawak ang cellphone ko dahil chinat ko sila Iyaknu at Tori na nakauwi na ako. Nakita ko naman ang Ig story at myday nilang dalawa, picture naming tatlo. Kaya't naisip kong i-post ang picture at video noong sinurprise ko sila Papa, Iyaknu at ang Vee Esports.
YOU ARE READING
Till The End
PoetryJohnmar Villaluna together with Danerie James Del Rosario dreamed to enter the E-sports scene to make a name for themselves and to prove that gaming isn't just about playing all day but rather it's their dream and passion. They were inseparable but...