Kab 5- Back home

149 9 3
                                    

Sinag ng araw ang gumising sa'kin. Ang sakit sa mata.

"Hmm" naginat ako at saka tumayo sa kama at inayos ito. "Goodmorning Nok, sakto baba mo tara at kumain ka na ng lunch" pagkababa ko ay bumungad sa'kin ang amoy lutong bahay na niluto ni Lola. "Morning Pa, La" bati ko at saka umupo at kumain.

"Alis kana nyan mamayang gabi, Anak?" tanong ni Papa sa kalagitnaan ng pagkain namin. Tumango naman ako at saka sinabing "Opo Pa, need ko na pong humabol sa practice at malapit na ang MPL"

"Ingat ka don, Nok ha. Dating gawi uwi ka lang dito pag pwede ka para makapagpahinga ka. Ako na maghatid sa'yo don sa bc nyo" ani Papa kaya't sumangayon na lang ako para hindi na rin ako mahirapan pa. Since mukhang busy rin si Carlo ay itinext ko na lang sya.

Lumipas ang oras at wala akong ibang ginawa kundi ang mag ayos ng gamit sa maleta ko. Deja vu, after ilang years ay babalik at babalik pa rin pala talaga ako sa E-sports ng Pilipinas. It's never my plan to play at the pro scene again, well sabi nga nila expect the unexpected.

There's still a part of me na kinakabahan, ewan ko ba kung anong sumapi saking enerhiya at naisip kong umoo sa Blacklist.

"Hindi kita pwedeng isama sa bc, Aldous. Lagi na lang kita bibisitahin dito. Be good kila Papa ha. Mommy will be back baby" nilalaro ko sya sa huling pagkakataon dahil maya-maya ay maliligo na ako at magaayos. Hapon na din kasi kaya kailangan ko nang kumilos.

Ang tagal kong tinignan ang sarili ko sa harap ng salamin. 'Handa na ba ako?' ilang beses ko na 'tong naitatanong sa sarili ko pero hindi ko pa rin masagot sagot, let's see. Napatinggin ako sa phone ko ng mag-ring ito. Si Kuya Anthony. "Kuya?" patanong na tawag ko.

"Momshoes, anong oras daw po kayo susunduin?" tanong niya sa mahinang boses. "After dinner na lang po siguro para halos pa tulog na sila" ayokong makita sila agad. "Wala sila dito momshoes, day off" ah kaya pala sinabi ni Boss Tryke na okay lang kahit ngayon ako maghakot papunta doon.

"Ah sige, before dinner na lang" after non ay binaba na niya ang tawag. Tumingin ako sa salamin sa huling pagkakataon at saka nagtungo sa CR para makaligo na. After 10-15 mins ay tapos na ako.

Bumukas ang pintuan ng kwarto ko, si Papa,"May nakalimutan ka pa ba, Anak?" tanong niya. Tinignan ko ang mga gamit ko na nakababa sa sala, "Hmm, wala na po Pa. Ayan lang po dadalin ko" ani ko habang nasa bisig ko si Aldous.

"Tawagan nyo lang po ako, Pa. Yung about don sa bahay chat ko na lang si Carlo pag hindi ako makakapunta. Magingat po kayo lagi" pagpapaalala ko at saka ibinaba si Aldous.

Tumango naman si Papa at isinakay na ang gamit ko. Medjo traffic kaya't halos nagtaggal kami ng 1 hour sa byahe. Nagpadaan muna ako kay Papa sa Krispy Kreme upang pasalubungan sila Kuya Anthony ng doughnuts. At bumili rin ako para kila Papa.

"Pa, doughnuts oh. Kainin nyo paguwi nyo nila Lola at Carlo" iniabot ko ang 2 dozens ng doughnuts kay Papa.

"Nagabala ka pa, Anak. Osya sumakay kana at ihahatid na kita sa bc." Anya kaya sumakay na ako at nagpatugtog. Tahimik ang sasakyan tanging tunog kang ng playlist ko ang madidinig. "Anak?" pagtawag sa'kin ni Papa. "Hmm? bakit Pa?" pagsagot ko naman at hinarap sya.

"Ingatan mo ang puso mo ha. Maging marupok ka sa tamang kadahilanan, kung hindi nag-work dati gave it a chance. Three years mong pinili ang sarili mo" I sighed.

Till The EndWhere stories live. Discover now