~Apply Now

382 15 0
                                    

Dominic's POV

Anong bang plano ng babaeng yun? Akala ko madali lang pasagutin yun ang hirap pala. Parang sa tingin ko mapapasabak yata ako nito ahh !

-Kinabukasan

Saan kaya yung babaeng yun? Kanina pa ako naghihintay dito sa labas ng room nila. Wag naman siyang umabsent ngayon. Masisira plano ko.

"Oh Doms, bakit ka nandito ? Hinihintay mo siya ?" bungad sa akin ng kaibigan niyang si Mica na kaibigan ko rin. Well, kaibigan ko naman talaga si Mica noon pa bago pa man sila nagkakilala ni Nics. Hindi ko nga inasahang maging kaibigan niya yung matagal ko ng pasimple kong sinusulyapan noon pa man.

"Oo eh, hindi ba siya papasok ngayon ?" nagpalinga linga pa ako sa loob ng room nila at hinanap ang kaluluwa ni Nics pero ni anino wala akong nakita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Oo eh, hindi ba siya papasok ngayon ?" nagpalinga linga pa ako sa loob ng room nila at hinanap ang kaluluwa ni Nics pero ni anino wala akong nakita.

"Aabsent muna daw siya sa first subject niya ngayon." sagot ni Mica.

"Ha ? Bakit daw ?" may halong pag-aalala ko pang tanong sa kanya. 

"Uyy concern . Basta ang sabi niya secret lang." sinundot pa niya ang tagiliran ko at sinaway ko naman siya. Loko talaga tong babaeng 'to.

"Ahh ganun ba ? Sige pasok na muna na ako sa klase ko. Itext mo na lang ako pagnandiyan na siya ha ?"

"Okay !"

"Sige mauna na ako."

"Okay, babayu !" Mamaya ko na lang isipin ang pinaplano niya. Focus na muna ako sa studies ko baka mabagsak ako nito malagot pa ako kay Mommy. Haist !




Nicole's POV

This is it. Kompleto na lahat ng mga kailangan ko for him. Tingnan nalang natin kung papasa ba siya sa dito.

-Sa canteen

Oh, himala yata na wala siya sa spot niya ngayon dito sa canteen.

" Nics, dito !" tawag sa akin ni Mica na nakapwesto mismo sa gitna. Ano ba naman 'tong babaeng 'to. Sa lahat ba naman ng pipiliin eh yung sa gitna pa talaga?! Nakakahiyang dumaan.

Pumunta na agad ako sa spot namin. At doon ko lang nalaman ang dahilan kung bakit niya piniling doon pumwesto dahil pala naroon si Dominic malapit sa table namin. Bale nasa tapat lang namin yung spot namin sa spot ni Dominic. Pero teka, hindi ba siya kakain ngayon ? Pansin ko kasing bag niya lang ang nasa tabi ni Mark. Pasimple akong nagpalinga linga sa paligid at hinanap siya na baka ay bumili bili pa ng pagkain sa counter pero wala akong nakita Dominic sa buong canteen.

Maya maya lang nabalik ako sa huwesyo nang matawag ang atensyon ko sa pagwagayway ni Mica ng kamay niya sa mismong mukha ko. "Nics ?" 

"Oh !"

My Enemy Is Now My Lover [completed] EditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon