Mamaya ko na lang siguro ibibigay yung slambook ko. Naiwan ko kasi sa locker room e.
Pero teka lang ha ? pwede bang tumawa ? Pfft. HAHAHAHAHAHAHA. Grabe yung reaksyon niya nung sinabi kong bukas na agad ang deadline ng mga requirements na binigay ko sa kanya. Parang tanga lang ! Isipin mo parang mag-aaplay siya ng trabaho imbis na manligaw. Naku, alam ko namang hindi niya seseryosohin yung binigay kong list. Maarte kasi yun.
"O.o Anyare sayo teh ?" bungad sa akin ni Mica nang makarating ako sa room namin sa NSB building.
"Oh hi Mics ^_^ ... hahaha" masaya kong bati sa kanya. Then her face looks like ... WHAT THE EFF!!! But I answered a big laugh of triumph.
" Bakit ka tumatawa mag-isa Nics ? Wag mong sabihing ..."
"..... BALIW KA NA? OH NO !!"
Hinilamos pa niya yung kamay niya sa mukha niya. Sobrang O.A niya talaga at sobra kung mag-isip. "Over ka Mics, super ! Batukan kita diyan e."
" Wag naman Nics. Maawa ka sa akin."
"tse ! Tabi nga !" Nilagpasan ko siya tapos pumasok na sa room namin nakita ko na kasi yung instructor namin at palapit na sa room. Sumunod naman si Mica sa akin pero tanong pa rin ng tanong.
" Ano ba kasi ang ikinatuwa mo kanina ? May masaya bang nangyari sayo ngayong araw na itetch ? At bakit ka nga ba umabsent sa first subject mo kanina ? buti na lang at wala si sir kung hindi patay kang bata ka."
Ang kulet ! Umupo nalang ako sa upuan ko at sinaksak ang aking earphones para hindi ko marinig si Mica na walang tigil sa pagtatatanong. Haish !
-Uwian
Sabay kami ni Mica papuntang locker room para iwan ang gabundok na librong dala-dala namin pareho at para makuha ko na rin yung slambook na ibibigay ko pa kay Doms ko ! Hmp ?!
Ayy teka ... 'Doms ko' talaga ? Yuckie katulad ni chuckie. Erase-erase teh ang sagwa eh !
"Nics, una na ako sa'yo. Sorry kung hindi na muna kita masabay ngayon sa pag-uwi may pupuntahan pa kasi kami ni Mommy."
BINABASA MO ANG
My Enemy Is Now My Lover [completed] Edited
Teen Fiction"Cupid really made the war between us be in peace through love." Nicole Martinez and Dominic Matte