Chapter 40

169 7 0
                                    

Third Person's POV

"Alas dies na ng gabi pero hindi pa rin siya umuuwi, ano na kaya ang nangyari doon? Hindi naman siguro siya apektado sa mga sinabi ko kanina kasi sa itsura at kilos niya pa lang parang nakikinig lang siya ng storya na galing sa isang libro. Wala yata siyang idea kung totoo na o hindi yung kinukwento ko."

Namalagi muna si Seb sa sala para doon hintaying maka uwi si Tin, pero kahit anong paglilibang niya sa sarili hindi naman niya maalis sa isip ang pag-aalala sa dalaga

"Kung kailan ko naman kailangang mag puyat doon naman ako tinamaan agad ng antok. Wrong timing naman!" napahampas pa siya sa lamesa sa sobrang pagka dismaya.

Habang lumilipas ang oras unti-unti na niyang nararamdaman ang pag pikit ng mga mata niya hanggang sa hindi na niya ito napigilan at tuluyan ng kinain ng antok ang diwa niya. Habang mahimbing na natutulog si Seb, saka naman dumating si Tin, at pag pasok niya pa lang dinig niya na ang ingay na nanggagaling mula sa T.V. sa sala kaya nagmadali siyang pumasok para sabihing ipahina ang volume nito pero laking gulat niya ng madatnan niyang nakahiga sa sofa si Seb.

"Ang weird lang tignan kasi ilang beses na rin siyang natutulog dito sa sala!"

Lumapit siya at hinanap agad ang remote control para patayin ang T.V at ng isasauli na nito ang remote sa lamesa doon naman niya napansin ang kakaibang kilos ni Seb.

"Nananaginip ba siya? Alas dies imedya pa lang, aga naman yata?"

"Tama na!" Mahinang sabi ni Seb.

Nakuha nito ang atensyon ni Tin kaya naman imbis na iwan na lang ang binata lumapit siya dito at na upo sa lapag habang pinag mamasdang mabuti si Seb.

"Ayoko na. Tumigil na kayo!" Muling sambit ni Seb.

"Umalis na kayo!"

Kumunot ang noo ni Tin ng marinig ang ka awa-awang boses ni Seb, "Binabangungot nga siya."

"Seb, gising na. Seb..."

Pa ulit-ulit niyang binabanggit ang pangalan ng binata hanggang sa tuluyan na itong magising. Pag mulat ng mga mata ni Seb, kapansin pansin ang malamlam at namumula nitong mga mata kaya agad na tumayo si Tin at tinulungang bumangon si Seb.

"Okay ka lang ba? Gusto mo ng tubig?" aligagang tanong ng dalaga.

Nakatulala at parang wala pa rin siya sa sarili niya ang binata kaya naman hindi na hinintay pa ni Tin ang sagot niya at tumayo na agad para kumuha ng tubig sa kusina, pero bigla naman siyang hinawakan ni Seb dahilan para mapahinto siya.

"Okay lang ako." Mahinang sagot nito.

Tinitigan siya ni Tin na parang sinusuri dahil hindi siya kumbinsido sa sagot niya. Hinawakan niya ang kamay ni Seb at laking gulat niya ng para bang nag yeyelo ang kamay nito sa lamig, sunod niyang hinawakan ang mukha nito saka pinisil pisil ang magkabilang pisngi. Nanatili namang nakatulala si Seb habang nakatingin sa mukha ni Tin.

"Anong oras na ba?" tanong ng binata na dahilan naman ng pag hinto ni Tin sa ginagawa niya.

"Mag aalas onse na." sagot niya.

"Kanina ka pa ba? Bakit ginabi ka na akala ko ba ibabalik mo lang yung singsing?"

"Yuon lang naman talaga ang balak ko kaya lang ang daldal ni Chari kaya napasarap ang kwentuhan namin at inabot na ako ng alas dies sa kanila. Ikaw bakit dyaan ka natutulog?"

"Hinihintay kasi kita."

Natagalang sumagot si Tin, dahil nag bubuhol buhol na naman ang mga tanong sa isip niya. "Bakit niya ako hinihintay? May importante ba siyang sasabihin?" Bulong niya sa isipan niya.

A Night to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon