Chapter 61

167 9 4
                                    

Saktong may dumaan na taxi ng paglabas ni, Tin ng gate nila kaya naman dali-dali siyang sumakay at sinabi sa driver ang address ng destinasyon niya. Pagkatapos hindi na naalis ang paningin nito sa cellphone niya. Kaliwa't kanang mensahe at tawag na ang ginawa niya para ma ka usap agad si, Seb pero wala pa rin itong reply.

"Seb, please pick up the phone!"

Napatigil pa nga siya sa ginagawa niya ng biglang pumasok sa isip niya ang mga video na napanuod niya kanina. Mga video na mismong si, Seb ang kumuha at siya rin mismo ang mga laman.

Hindi na maintindihan ni, Tin ang nararamdaman niya dahil sa halo-halong emosyon dahilan ng mga kaganapang nangyayari ngayon na hindi niya inaasahan at never niyang na imagine na mangyayari sa kanya.

***

March 5, 2001

"Hello, ako nga pala si, Sebastian pero Baste ang tawag nila sa akin. Dahil umalis na sila Mommy at Daddy itong camera na lang ang gagawin kong parang sila. Dito ako mag kukwento ng mga nangyayari sa akin sa araw-araw at ipapapanuod ko na lang sa kanila kapag umuwi sila ulit dito sa Pilipinas.

Umalis na sila Mommy nung isang linggo at namimiss ko na sila agad, sana pwede na lang nila kaming isama nina Kuya Steven at Ate Sam. Pero Hindi pwede kasi kailangan pa raw nilang mag ipon ng pera para makuha nila kami at doon na mag aral. Kaya lang puro English ang salita doon... pero okay lang marunong naman akong mag English pero hindi lang tuloy tuloy. Alam ko na mag papaturo na lang ako kay Kuya Steven, lagi kasing first honor sa klase nila 'yun.

Bukas na lang ulit makikipag laro muna ako kila Dominic, Jason at Billy."

Kahit bungi makikita sa mga ngiti niya kung gaano siya kasaya habang hawak ang camcorder niya na nirerecord ang sarili. Siyam na taon pa lamang siya dito pero hilig na talaga niya ang pag harap sa camera at lalo pa siyang namangha ng regaluhan siya ng magulang niya.

"Hindi ko na matandaan kung ano ang eksaktong ginagawa ko noong taon na ito, pero ang alam ko malamang puro pag lalaro lang ng manika at luto-lutuan ang ginagawa ko."

March 10, 2001

"Hello ako ulit ito si, Baste.

Ilang araw akong hindi nakapag video kasi nagkasakit ako naulanan kasi kami nila Dominic, nung nag laro kami pinagalitan pa nga ako ni Lolo at Lola kasi matigas daw ang ulo ko.

Si Ate at Kuya naman yung nag alaga sa akin kasi yung kasambahay namin nag resign na kasi lilipat na daw sila sa probinsya. Totoo bang mas masarap at maginhawa ang buhay doon, ang sabi pa niya marami daw damuhan doon tapos sa hapon pwede ka raw manghuli ng mga tutubi at iba-iba pa yung kulay. Pero ayaw ko doon kasi mainit at saka baka hindi alam nila Mommy at Daddy yung bahay nila.

Yuon lang sa susunod ulit. Ba-bye!"

"Mukhang nakalimutan mo ring ikwento na nabunot na yung ngipin mo."

March 12, 2001

"Hello kumusta ako ulit ito si, Baste.

Kanina sa school tinanong ni, Ma'am Alvarez kung nagkakaroon na daw ba kami ng crush tapos nag sigawan yung mga kaklase ko at syempre isa na ako doon. Ang sabi ni Ma'am natural lang daw ang paghanga sa isang tao kasi parte daw 'yun ng paglaki namin kaya gawin daw naming inspirasyon ang pagkakaroon ng crush at huwag masyadong seryosohin kasi bata pa lang kami. Niloloko pa ako nila, Dominic kasi nalaman nila kung sino yung crush ko. Sasabihin ko rin dito pero secret lang natin ha.

'Wag niyong sasasbihin kila Mommy at Daddy.

Hmmm... Si, Althea yung crush ko kasi ang ganda niya at lagi siyang naka smile sa akin kapag tinitignan ko siya tapos nag sasabi din siya ng good morning kapag papasok ako at inaalok niya din ako ng baon niya tapos nag baba-bye din siya sa akin kapag uwian na namin.

A Night to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon