Chapter 64

182 4 5
                                    

Abala na si Tin sa pag aayos ng gamit niya dahil ilang araw na lang ay babalik na ito sa U.S para mag report sa trabaho niya. Sa kabilang banda naman tahimik siyang pinag mamasdan ni Seb sa sulok.

Mukhang sobrang lalim na ng iniisip niya na halos hindi na siya makawala.
Nararamdaman na niya ang presensya ng binata buhat ng mag simula siyang mag ayos ng gamit pero pinipilit niyang hindi lingunin at pansinin ito dahil baka mahirapan na naman ang isip niya kung paano siya mag papaalam pansamantala dito.

Lumapit ang binata at na upo sa kama kung saan nakalagay ang mga gamit ni Tin. Matagal niyang tinitigan ang dalaga bago siya nag salita na dahilan naman sa pagtigil ni Tin sa ginawa niya.

“Pakasal na tayo.” Malumanay niyang sabi.   

“A-ano?”

“Mag pakasal na tayo.” Sabi niya habang na ka diretso ang tingin na para bang walang bahid ng pag aalinlangan.
Tumayo si Tin at nginisihan siya. “Joke ba ‘yan? Kasi kung oo hindi nakakatawa!”

“Mukha ba akong nag jojoke?” tumayo siya at nag pamulsa ng kamay sa harapan ni ng dalaga.

“Napaka out of the blue naman kasi nung sinasabi mo—”

“Gusto mo ba akong pa—”
Tinakpan niya ang bibig nito bago pa man matapos ang sasabihin niya. “Seb… kung ginagawa mo ‘to dahil aalis ako, please lang huwag!”

“Hindi ba pwedeng gusto ko lang.”

“Hindi!”

Padabog niyang nilapag ang hanger sa kama niya saka ito nag lakad papunta ng banyo. Sinundan naman siya ni Seb.

“Bakit hindi ba ito yung inaasahan mong proposal?”
Humarap siya ng salubong na ang kilay at naka kunot na ang noo, “Huwag ka ngang maging childish!”

“Hindi ka pa rin ba sigurado sa akin?” Sunod na tanong niya.

“Sigurado ako sa’yo at mahal din kita, pero marriage? Please lang huwag nating madaliin kasi ibang usapan na ‘yun!”

“Paanong ibang usapan… mag kakaanak na tayo so it means bubuo na tayo ng pamilya—”

“Basta ibang usapan ‘yun!”
Matapos ang pag tatalo nila tungkol sa kasal hindi na sila nag usap pa kahit pa mag hapon silang mag kasama sa loob ng iisang bubong. Mag gagabi ng umalis sa bahay nila Tin si Seb pero hindi pa rin nag iimikan ang dalawa o kahit mag pa alam man lang sa isa’t isa.

***

“Oh bakit mag isang nakatulala yung lover boy namin dyan?” pabirong bungad ni Jeks. Tinapik niya pa ang balikat ni Seb bago ito tuluyang ma upo sa tabi ng binata.

“Tss, lover boy ka dyan!”

“Problema mo?”

Nag bingibingihan ito at patuloy lang sa pananahimik.

“Ah… si Tin, ayaw kang pakasalan?”

Laking gulat niya kaya bigla itong napaharap sa pinsan niya. Ngingisi ngisi naman si Jeks habang nagtatanong si Seb sa kanya.

“Paano mo nalaman, sinong nag sabi sa’yo, siya ba? A-ano sino at paano?”

Umiling ang pinsan niya kasabay pa rin ng pag hagikgik nito sa tawa. Nawala naman ang interes sa mukha ni Seb at napalitan ng pag ka bwisit.

“Bata ka pa rin talaga. Baste.”

“Ewan ko sa’yo. Bwisit!” bulong ni Seb sa isip niya.

“Kung gusto mo siyang pakasalan hintayin mong maging handa siya.”

A Night to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon