Chapter 63

127 6 1
                                    

Nagsimulang pag initan si, Seb ng malaman niya ang pinakatatagong lihim ng Lolo niya. Sa paglalaro ng batang si, Baste hindi niya inaasahang makikita niya ang isang pangyayaring ikakasira ng relasyon nila ng Lolo niya at dahilan ng pagkakaroon niya ng sakit na PTSD o (Post Traumatic Stress Disorder).

Nakita ng dalawa niyang mata kung paano nawalan ng buhay ang Uncle Lino niya sa kamay mismo ng Lolo at Uncle Ben niya. Simula noon lagi ng nakabantay ang mata ng Lolo at Unlce niya sa bawat galaw ni Seb.

Noong una akala niya pinapainom lang ng gatas ng Lolo niya ang Unlce Lino nito pero hindi nagtagal bigla na lang itong nangisay at bumula ang bibig. Pupuntahan sana niya ang, Unlce Lino niya pero biglang lumabas ang, Uncle Ben niya at doon na nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng mag Ama. At bigla na lang siyang nagulat ng sakalin ni Ben si Lino na noon ay nag aagaw buhay na at dito na ito unti-unting nawalan ng hininga hanggang sa tuluyan nang mawalan ng buhay.

Matapos ang insidente nag tago si, Seb sa kwarto niya at nag kunwari na lang na natutulog pero ang totoo hindi ma proseso ng utak niya ang natunghayan niya. Gabi na ng puntahan siya ni, Steven sa kwarto at binalita ang nangyari sa Uncle Lino nila hindi na siya nagulat dahil mas nauna pa siyang nakaalam kaysa sa kanila.

Ang kinagulat niya ay noong may narinig siya sa ibang tao tungkol sa naging rason ng pagkamatay ng Uncle Lino niya. Mas lalo siyang naguluhan ng marinig niyang dahil sa sakit kaya namatay ito. Alam niya ang totoong dahilan kaya naman imbis na manahimik at mag bantay kinompronta niya ang Lolo niya pero planstado na ang kwento nila at para bang may script silang kinabisado dahil iisa lang ang paliwanag nila sa bawat taong nagtatanong ng dahilan ng pagkamatay ni Lino.

Hindi kalaunan sinabi niya ang mga natunghayan nito sa magulang niya hanggang sa kumalat na sa buong pamilya nila na nakita niya mismo na may pinainom ang Lolo nila kaya bumula ang bibig ni, Lino at ng makita ito ng Uncle Ben niya bigla naman niya itong sinakal hanggang sa tuluyan ng malagutan ng hininga at yuon ang totoong dahilan ng pagkamatay niya at hindi yung sakit na sinasabi nila sa ibang tao.

Hindi makapaniwala ang pamilya niya sa sinabi nito lalo na ang mga anak mismo ng Lolo niya pero ang mga pinsan, auntie at uncle niyang nakatira sa loob ng compound ay napapaisip na rin. Madalas kasi nilang marinig sa bibig ng matanda na problema niya ang, Uncle Lino nila dahil higit dalawang dekada na rin itong lumpo at kung hindi dahil sa kanya mas maginhawa sana ang buhay nila ngayon at hindi nakakapos sa pag susustento sa pamilya ng anak niyang si Ben at John.

Hiningan siya ng ebidensya ng Lolo niya pero wala siyang naipakita dahil naitago na ni Lola Miling ang memory ng camcorder niya at hindi pa nila alam noon na nag uumpisa na pala ang sakit ni Lola Miling na Alzheimer's disease kaya nawala rin ang pagdududa sa Lolo at Uncle Ben niya.

Pakiramdam niya noon wala siyang kakampi at pinagkaisahan siya kaya naman pinangako niya sa sarili niya na bukod kay, Lola Miling hindi na siya magtitiwala sa kanila at maniniwala sa mga sasabihin nila. At doon na rin nag simula ang ugali niyang hindi na magtiwala sa kahit kanino man lalong lalo na sa taong hindi niya lubusang kilala.

Huling gabi na ng burol ni Lola Miling at mas dumagsa pa ang mga tao para makiramay kabilang na dito ang mga kaibigan mismo ng namatay at mga kaibigan rin ng mga kamag anak niya. Kabilang rin ang mga naglalakihang pangalan sa larangan ng pulitika at negosyo.

Kasalukuyan ng ginaganap ang eulogy at mas marami pa ang taong dumadating kabilang na dito ang isa sa pinaka malapit sa pamilya ni, Seb at ganoon din sa kanilang mag kakapatid. Hindi naman inaasahan ni, Tin na makakakita siyang muli ng kakilala sa burol ni Lola Miling.

Nakita ni, Tin na kausap ni Steven ang isa sa mga naging kliyente nila dito sa Pilipinas, ang pinaka batang CEO ng bansa sa kasalukuyan, si Paige Vinzon. Nang makita siya nito agad siyang nilapitan na punong puno ng galak na para bang matagal na silang magkakilala. Kinamusta siya nito at ang baby sa sinapupunan niya at doon na nag umpisa ang mas mahabang pang kwentuhan tungkol sa buhay nila at sa relasyon niya sa pamilya nila, Seb.

A Night to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon