Chapter 45

135 9 4
                                    

Nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog si Seb, dahil may maka-ilang beses siyang nakarinig ng ingay mula sa labas ng kwarto niya. Nung una hindi niya ito pinansin at sinubukan na lang ulit na bumalik sa pagtulog pero nag sunod sunod ang ingay kaya naman na punta na ang focus niya kung saan at ano ang pinanggagalingan nito.

Dahan dahan siyang bumangon at pagtapos inayos ang sarili bago tuluyang lumabas ng kwarto. Tahimik at madilim ang paligid kaya bago siya naglakad binuksan na muna niya ang flashlight ng cellphone niya at saktong pag pindot niya ng switch ng ilaw doon naman nagsilabasan ang lahat na may hawak na lobong hugis puso.

Natuwa ang mga bata pati na rin sila Mang Teban dahil tagumpay ang plano nilang sorpresahin si Seb, pero kabaligtaran naman ang naging reaksyon nito. Nakatulala at parang estatwang nanigas sa harapan nila si Seb. Natahimik ang lahat dahil sa natunghayan nila, nagtinginan sila na may pareparehas na katanungan sa isipan.

Hindi yata nagustuhan ni Seb?

Para matapos na ang katahimikan sa pagitan nila at ganoon din ang ilangan, naisipan ng lumapit ni Mang Teban saka niyakap si Seb, parang nahimasmasan naman siya sa yakap ni Mang Teban at nabalik na rin sa ulirat mula sa pagkakatulala.

"B-bakit nag abala pa po kayo?"

Bumitaw si Mang Teban saka siya inakbayan, "Dahil ito lang yung naisip naming paraan para gumaan naman kahit papaano yung nararamdaman mo."

"Okay naman po ako, pero salamat pa rin po."

Lumapit rin si Rocco saka mahigpit na niyakap si Seb, "Kuya hindi ka ba masaya sa sorpresa namin?"

Ginulo gulo niya ang buhok ng bata saka dahan dahang lumuhod para mag pantay sila nito. Halata naman sa lahat ang pag-aalala lalo na sa mukha ni Tin ng biglang lumuhod si Seb, dahil ilang araw pa lang ang nakalipas buhat ng masaksak ito kaya sariwa pa ang mga sugat niya. "Masaya ako. Pasesnya ka na hindi lang kasi ako sanay sa surprised kaya hindi ko alam kung ano ang irereact ko."

Inalalayan na siya ni Mang Teban para tumayo, "Ayos lang 'yun Seb, ang mahalaga naman na sorpresa ka namin."

"Tama na 'yan kumain na tayo at kailangan mo pang uminom ng gamot mo." Lumapit rin si Aling Ester kay Seb at sinundan naman siya ni Rizza para yakapin din. Habang kasuap nila si Seb napansin naman ni Rocco na tanging si Tin lang ang naiwang nakatayo malapit sa lamesa habang pinanunuod naman sila.

"Ate Tin, dyaan ka na muna kasi solo mo naman mamaya si Kuya Seb kaya doon mo na lang din siya yakapin." Agad namang tinakpan ni Aling Ester ang mapanuksong bibig ng anak niya.

"Mukhang gutom na talaga yung anak ko at kung ano-ano na naman yung lumalabas sa bibig mo, pasensya na kayo ha. Mabuti pa kumain na tayo."

Na upo na silang lahat at sa ka una-unahang pagkakataon nag dasal muna sila bago kumain at ang leader nito ay walang iba kundi ang pinaka madaldal at makulit sa kanila na si Rocco.

"Wow! Lahat ng paborito ko nandito ngayon, ang galing naman." Sambit ni Seb, ng matapos silang mag dasal. Sumagot naman si Rocco na may kasama pang pag ngisi, "Ang galing ni Ate Tin, 'di ba, nahulaan niya yung mga paborito mo."

Tumingin si Seb kay Tin, pero dahil sa hiya umiwas naman ang dalaga at nagpatay malisya na lang sa narinig niya.

Habang kinakain ang mga paborito niyang pagkain bigla namang lumipat ng pwesto si Rizza na kinakunot naman ng noo ni Rocco.

"Kuya Seb, mag papaturo sana ako sa'yo kung paano kumuha ng picture kasi si Cedric lagi na lang akong inaasar na ang pangit raw ng mga kuha ko." Sumbong ni Rizza.

Nakisabad naman si Tin, "Don't worry pagsasabihan ko si Cedric para hindi ka na asarin."

"Ay oo nga pala Ate Tin, tinanong niya sa akin dati kung kilala ko rin daw ba yung ex mo na kupal ba 'yun?"

A Night to RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon