Chapter 5

831 30 0
                                    

Zaijan Valestimoso POV

Hindi ko na namalayan na mag-tatatlong linggo na pala ako dito. Tatlong linggo narin silang naniwala na nasa Canada na ako. Tatlong linggo na wala si Aries at wala na akong balita sa mga magulan- mga tao sa mansion. Three weeks of pretending.




Sa loob ng tatlong linggo na 'yun ay para akong tinitorture sa loob dahil sa pag-pipigil. Sa pag-pipigil ng sarili ko at sa nararamdaman ko sa kaniya.



I shouldn't let my guard down because of this feelings. Masisira ang lahat. "May gusto kapa?" tanong ko habang nag-so-scroll sa application para sa pag o-online shopping namin.




Alas dose na ng madaling araw at hindi parin kami makatulog na dalawa kaya napagdesisiyunan naming mag online shopping.



I ordered a lot of dresses, blouses, skirts, swimwears and nighties including lingerie.



"Hindi kapa matutulog?" tanong niya habang nakatalikod sa akin.



"May insomnia 'ata ako, love." sabi ko habang hinihimas ang buhok niya.



Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya galing sa likod. Hinawi ko ang buhok niya at isiniksik ang ulo ko sa batok niya at inamoy-amoy ito.



"Nakikiliti ako, Zairus," she chuckled.



Hindi ko siya pinansin at linaro ang ilong ko sa batok niya hanggang sa leeg niya. She let out another chuckled again.



"Kapag ba sinabi kung... ibigay mo ang sarili mo sa akin, gagawin mo? Are you willing to give yourself to me?" I asked while still sniffing her.



Napatigil lang ako sa ginagawa ko ng inikot niya ang katawan niya paharap sa akin. She smiled as our eyes met.



"Tinatanong mo ba ako.. kung kaya ko ng ibigay ang sarili ko sa 'yo?" I nooded as an answer. "Oo, bakit naman hindi? Kung ikaw lang naman ang makakasama ko hanggang pagtanda, bakit naman hindi? Gusto ko magkaroon ng maraming mga anak na kamukha natin!" masayang sagot niya.



My heart melts but it eventually changed when I remembered that.. I'm just pretending. Nagpapanggap lang pala ako.



Sinabi ni Zencia iyon sa akin, dahil akala niya ako si Zairus! Lahat nalang ba Aries, ay aagawin mo sa akin? Pwede bang kahit si Zencia nalang? Pwede bang magpa-ubaya ka naman?!



"Alam mo.. ikaw nalang ang hinihintay ko.." sabi niya habang nilalaro ang mga darili niya. "Ewan ko.. parang gusto ko ang ikaw ngayon. Ibig kung sabihin.. simula noong nanaginip ako, hanggang magising na ako.. para kang nag bago. Madalas ka ng dikit ng dikit sa akin, hindi na yakap ang ginagawa mo sa akin ngayon.. hindi tulad noong nakaraan na parang ayaw mong tumabi sa akin.. hindi mo ako madalas na halikan,"

Owning Her (Love Duology 1st Generation)Where stories live. Discover now