Chapter 14

786 26 0
                                    


Zencia Anastashia Toregozza POV


Hindi mawala ang saya sa puso ko pati, ngiti sa mukha ko ay hindi na mawala. Agad kaming pumunta sa police station dahil na hanap na raw ng mga tauhan ni Zaijan kung saan nagtatago ang Yaya ni Zia na itago nalang natin sa pangalan si 'Yaya Jo' Puti narin ang buhok niya, maliit na babae at maraming buhay na nunal sa mukha, naka suot rin siya ng makapal na salamin. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na magagawa niyang tangayin ang anak ko.



Hindi namin kailan man trinato si Yaya Jo na iba sa amin, pamilya narin ang turing namin sa kaniya. Aware din ako na may sakit siya sa pag-iisip, dahil nga sa trahedyang nangyari sa kanila dahilan para mawalan siya ng dalawang sangol na kambal n kapapanganak niya lang, pero hindi ko kailan man maiisip na magagawa niya ito...



"Next time, Zencia... You must know their background first... You just hired a psychopath-"



I cut Zaijan off. "Tumigil ka, Ian." banta ko. "You were not on her shoes for you to judge her that easy! She's been through, Zaijan! She lost his two newborn twins, imagine that? Siguro na buang narin ako kapag nangyari sa akin yun! But look at her! Nagtra-trabaho parin siya para sa pamilya niya."



"Pwede naman siyang mag cash advance sa'yo, bakit pa niya tatangayin ang anak natin?!"



"Hindi ito tungkol sa pera, Ian. Inilayo niya si Zia kasi gusto niyang maging ina... maging ina na kahit kailan man ay hindi niya naranasan."



"Sabi ko na nga ba... Sabi ko na nga ba at hindi mo siya ipakukulong. Are you sure?"



Tumango ako. "Oo. Kailangan niya ng tulong, Ian... Hindi kaya ng konsensya ko na ipakulong siya ng ganyang ang sitwasyon niya.. Marami narin kaming napagsamahan. Malaki rin ng pasasalamat ko dahil sa pag-aalaga niya kay Zencia."



Napag-isipan ko na imbis na sa kulungan siya ay sa mental hospital ko nalang siya ipapagamot.



**

Nasa condo ko na kami ngayon. Ako, Si Zaijan at Si Ziandra. Nakaupo siya ngayon sa kandungan ko habang ikinukwento niya sa akin ang 'Travel' nila ng Yaya Jo niya. Nakaparte ang nga binti niya na nakayakap sa bewang ko. Kinukwentuhan niya ako na parang wala lang sa kaniya ang presensiya ni Zaijan.



Napatingin ako kay Zaijan na hindi mapakali sa kinauupuan niya. Hindi naka lampas sa paningin ko ang mga mata niyang nakatitig sa anak namin na animo'y nagagandahan sa kaniya. Ang mga kamay niya na gusto ng ikulong sa bisig niya si Zia.



"Really? Did you had fan?" tanong ko.



"Um.. Yes?" hindi siguradong sabi niya.



"Not sure, huh?"



"Because you weren't there! You know what, Mommy... My eyes grew bigger when I saw how beautiful there place was, my eye balls almost went out! Their house is small yet simple-"



Napatigil lang siya ng marinig ang tawa ni Zaijan. Umikot siya at hinarap si Zaijan, ipinagkrus niya ang kamay niya sa dibdib niya. Habang ipinagpantay ko naman ang naka bukaka niya mga binti.



"What's funny?" galit na tanong nito pero hindi lang halata dahil sa liit ng boses niya.



Naging seryoso naman ang mukha ni Zaijan. "H-huh. Uhm..."


"Uhm, Zia... May tatanungin si Mommy sa'yo.." sabi ko dahilan para bumaling siya sa akin. "Do you want to meet your father, right?" paniguradong tanong ko.



Owning Her (Love Duology 1st Generation)Where stories live. Discover now