Chapter 12

726 23 0
                                    

Zencia Anastashia Toregozza POV


"Kahit anong foods, for sure nagugustuhan rin naman nila yan mga, Misis.." sabi ko habang nasa meeting na kami.





Tapos na kasi kami mag usap-usap tungkol sa mga games para sa mga bata, sila na daw bahala para sa exchange gift nila. Napatingin naman ako kay Enzo na nakahalukip-kip sa gilid at nag-aabang sa tatay niya. 'Asan na ba kasi yung magaling, na 'yun? Pinaghihintay ang bata! Matatapos na kami dito wala pa siya? Ano siya, hello? Special ba yun?




"Thankyou po sa time niyo mga Misis at Mister.. For sure na magsasaya talaga ang mga bata para sa darating na Christmas party!" nakangiting tugon ko.



Magsasalita na sana ulit ako ng may biglang pumasok. Napairap naman ako.



"Am I late?" bungad na tanong niya pagkapasok, rinig ko naman ang bungis-ngis ng mga nanay




"Mukhang bata pa siya, para maging tatay, ah.."




"Ay, hindi!" bulong ko at ngumiwi. Obvious ba?



Namilog naman ang mata ni Enzo, mabilis siyang tumakbo at niyakap ang binti ni Zaijan. Wala sa sarili akong umirap at bumaling sa mga parents ng mga estudyante ko.



"Ipapatawag ko nalang po kayo mga Misis, if may kailangan ulit tayong pag-usapan." sabi ko sa kanila.



Sabay-sabay naman silang tumayo at nagpaalam sa akin. "We'll go ahead, Teacher Zencia," paalam ng isa sa parents ng estudyante ko. "Say goodbye to your Teacher na, Caroline."



Kumaway naman ang bata sa akin, nginitian ko siya bilang tugon. Muli silang nagpaalam at nagpasalamat sa akin bago tuluyang makalabas sa classroom. Napatingin naman ako sa kaniya ng sipatin niya ang suot ko.



"Oh, ano?" malditang tanong ko.



He crossed his arms. "Ang pangit ng uniform niyo,"



Napaawang naman ang labi ko. Hindi ako makapaniwalang bumuntong hininga. Kalma self! Paalala ko sa saliri ko. How dare he!?



"Excuse me? Ano ba ang problema mo? Late kana nga mang-iinsulto kapa, pwede ba umalis kana? Kanina pa umalis ang mga parents-"



"I'm just telling the truth.. I'm not a parent, anyways-"



I cut him off. "Ewan ko sa'yo. Umalis kana nga, tapos na ang meeting!" pagtataboy ko. I'm not a parent? Kaltukan kita diyan, 'e.. Sasabihin mo pa 'yan sa harap ng anak mo!



Bago paman siya makalabas ay nagsalita pa muna siya.



"Ang pangit ng sulat kamay ng manliligaw mo."



Kumot naman ang noo ko at napasulyap sa table ko. Lumapit agad ako doom at kinuha ang bugkos ng pulang rosas. Kinuha ko naman ang card sa gitna ng mga rosas at binasa.




Take care, always Zencia. You will always be in my prayers. I'll wait for your answer.

-Nathan





Ang pangit nga ng sulat..
Isa si Nathan sa mga manliligaw ko. Sinasabihan ko talaga lahat ng mga manliligaw ko na may anak na ako, pero matitigas ang ulo at hindi parin tumitigil. Aware naman ako na may itsura ako at kahit may anak na ako ay maganda parin ang katawan at itsura ko na parang wala lang akong anak.



Owning Her (Love Duology 1st Generation)Where stories live. Discover now