Epilogue

1K 52 3
                                    

Zaijan Valestimoso POV

Kalalapag lang ng eroplano na sinasakyan ko galing Canada, dumeretso agad ako sa bahay ng pinsan kung babae dahil itinext niya ako na kailangan niya daw ng tulong. Kahit pagod ako ay mas pinili kung puntahan siya dahil pinsan ko siya hindi dahil marami siyang naitulong sa akin, most especially ng nasa Canada ako, she was the one who managed my successful clothing line when my anxiety and despression once again attacked me.

"What's the matter?" I asked.


"O my ghad! What a tiring day! Favor naman cuz, oh!"


"Oh?"



"Hatid mo naman si Enzo sa school niya oh! Please... I already emailed his School Principal naman..."


Napatingin naman ako kay Enzo na nag babasa ng education book, wearing his specs.


"Ano'ng grade na ba ni Enzo?" tanong ko.


"Jusko, Ian! Apat na taon tayong magkasama sa Canada hindi mo pa alam?" she rolled his eyes.


Kita mo na ang babaeng 'to! Siya na nga ang tutulungang, siya pa attitude!



"Grade one. My picture narin ako ng teacher niya! Maganda cuz, wala naman 'atang boyfriend!" pang-re-reto pa niya.


"I didn't ask for her–"

She cut me off. "Pangalan pa lang maganda na 'oh! Zencia... Anastashia..."


Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ng pangalan niya. I bit my index finger nervously. Pero... So... Teacher na siya ngayon? Did Aries helped her? Kamusta na kaya siya ngayon, lalo na may anak na sila ngayon... Pero pwede rin namang hindi siya, I mean there's a lot of people around the world, I bet hindi lang siya ang may pangalan na ganiyan...


"Alright, then.." I said.


"All right!" she exclaimed and cocked his attention to his son.


"Si Dada Ian ang mag hahatid sa'yo sa School, ha? Makikita mo rin naman ang Daddy mo dun,"


"Yes, mum! Thankyou Dada!"



I tousled his hair. "Sure, no problemó!"


Nagpaalam na rin ako sa kanila na aalis na ako, kailangan ko pa kasi i-check ang condo na ipina asikaso ko sa sekretarya ko. Gusto kung bumalik sa condo na tinitirhan ko noon, pero sigurado naman ako na wala na siya doon. Mahal ko siya.. sa totoo lang kahit ako pa ang maging tatay ng anak niya ay okay lang sa akin, ganoon ko siya ka mahal, pero hindi rin naman pwede eh. Mahal ko siya pero hindi ko rin kayang sumira ng pamilya. I can't... Kasi naniniwala ako sa kasabihan nila na... Kung mahal mo hahayaan mo siyang maging masaya kahit sa piling ng iba.

Owning Her (Love Duology 1st Generation)Where stories live. Discover now