Chapter 8

740 28 0
                                    

Zaijan Valestimoso POV

Hubo't hubad akong tumakbo pabalik sa unit ko. Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Gusto kung sabihin na masaya ako kasi Finally nakita ko na ang reaction niya, nakita ko na kung paano siya masaktan. Pero may parte parin sa akin na gusto bumalik kay Zencia para bawiin ang lahat ng mga sinabi ko. Mga sinabi ko na kahit ako mismo ay nasaktan sa mga salitang binitawan ko.



Padabog kung isinarado ang pinto at kumuha ng damit sa loob ng kwarto ko. Pagkatapos kung magbihis ay dumeretso ako sa kusina at kinuha lahat ng canned beer na natitira sa akin. Kinuha ko ang cellphone ko at nagsimulang magtipa ng message para sa mga kaibigan ko.



Recipient: Justine

Come over at my house, let's have fun. Grab something to drink. Hurry. Don't make me wait.



Ilang minuto na ang nakalipas pero wala parin akong text back na natanggap galing sa kaniya. Inis kung hinagis ang cellphone ko sa kung saan at padabog na binuksan ang canned beer ko. Pati sa paglagok ko ay puno ng galit ang nararamdaman ko.



Maya-maya ay napatingin ako sa cellphone ko ng humini ito. Tumayo ako at kinuha sa sahig ang kaninang hinagis ko.



From: Justine

Idiot! Gusto mo akong papuntahin sa Canada para lang mag-inuman tayo? I'm busy, anyway.



Wala sa sarili akong napairap at palikod na hinagis ang cellphone ko. Hindi na ako nag sayang pa ng oras, hindi na ako nag text pabalik.



***



Kinabukasan paggising ko nakaramdam na naman ako ng lungkot ng makitang wala si Zencia sa tabi ko. Halos isang buwan ko lang siya nakasama pero ganito na ang nauidudulot niya sa akin. Tumayo ako at binuksan ang kurtina ng wide glass window ng condo ko, agad naman ako tinamaan ng sinag ng araw.



Pagkatapos kung magtimpla ng kape ay lumabas ako sa balcony ng naka pajama at topless lang. Sumimsim ako sa kape ko at pinagmasdan ang tanawin. Suminghap ako sa sariwang hangin at pilit na inalis ang imahe ni Zencia sa isip ko, pero hindi ko kinaya.



"Long time no see, Zaijan!" bati sa akin ng dati kung workout Trainor.



Nandito ako ngayon sa gym malapit lang din sa condo na tinitirhan ko. Ayoko ng lumayo-layo pa kung nandito lang naman ang pinaka malapit na gym. Dumeretso ako sa treadmill at hinayaan ang sarili kung tumakbo, hanggang sa tagak-tak na ang pawis ko. Pagkatapos kung mag tread mill ay ginawa ko na ang full body workout routine ko.



Pagkauwi ko sa bahay ay isinalmpak ko agad ang katawan ko sa sofa. Nang ma-tempt naman ako na gumamit ng social media ay inilibang ko ang sarili ko sa panunuod ng mga movies at sa paglalaro ng video games.

Owning Her (Love Duology 1st Generation)Where stories live. Discover now