Chapter 3- Project

114 11 0
                                    

Chanel's POV

"Chanel, sandali lang!" Napatigil ako sa paglakad at lumingon sa tumawag sa akin. Si RK!

"Oh, RK. Bakit?" Parang nahihiya pa itong nagkamot ng batok. Ang cute niya talaga.

"About dun sa sinabi ni prof na project natin-"

I cut her off. "Yeah. Bakit? Ano'ng problema dun, RK?" Tipid siyang ngumiti sa akin at parang nag-alinlangan sa pagsasalita.

"H-hindi ka ba nahihiya na ako ang magiging partner mo?" Yumuko siya bigla.

Mahina akong natawa. "Bakit naman ako mahihiya? Ang swerte ko kaya na isang science geek ang magiging partner ko." Kung pwede ko lang kurutin cheek mo eh.

"Talaga? Baka kasi mailang ka eh. Sikat ka eh tapos ako isa lang namang nerd."

"RK, bakit ang baba ng tingin mo sa sarili mo? Matalino ka at may mga nagkakagusto din kaya sa'yo." Naalala ko lang kasi yung kaklase naming si Yvette na pasimpleng tumitingin kay RK. Kumukulo talaga dugo ko dun at hindi ko alam kung bakit.

"Ha? Sino namang magkakagusto sa akin? Nagpapatawa ka ata, Chanel." Mahina pa siyang natawa.

Humalukipkip lang ako. "Si Yvette Castro."

"Ah. Si Yve. Impossible yan may crush na kaya yun nasabi niya sa akin." May possibility na ikaw yung crush niya.

"Sinabi niya ba kung sino?" Tinaasan ko siya ng kilay saglit naman siyang nag-isip.

"Hmm. Hindi." Tsaka siya umiling na siyang lalong nagpa-cute sa kanya.

"See? Kasi ikaw yung crush niya. Why so manhid, RK."

Narinig ko na lang siya mahinang tumawa. "Tatanungin ko siya about diyan sa sinabi mo. Napansin mo talaga yun?" Parang tuwang-tuwa ito sa mga sinabi ko. Crush niya rin siguro ang Yvette na yun.

Tumango ako. "Panay kasi ang titig sa'yo tapos ang lagkit pa."

Nakita kong ngumisi si RK. Leche! Bakit mas lalo siyang gumwapo ngayong nakangisi siya? Inirapan ko siya kasi naiinis ako at hindi ko alam kung bakit.

"Wow! Napansin mo talaga yun?" Oo nga! Paulit-ulit! Sabay na kaming lumakad at habang naglalakad kami ay bigla niyang kinuha ang mga books na dala ko. Taka akong napatingin sa kanya na nakangiti ngayon.

"Ako na magdadala." Ngumiti ako saka nagpatuloy kami sa paglakad. So far wala nang masyadong estudyante sa field kasi uwian na rin meron pa naman sa mga benches pero hindi naman kami napapansin.

"Dun ba tayo sa Condo namin ni Ate? Hindi naman kasi pwedeng pumunta sa mansyon niyo."

"Pwede namang sa cafe diyan malapit sa school o kaya kahit sa library na lang tutal research lang naman tayo."

"Sabagay. Sige, uuwi ka na ba?"

"Yes, pero hihintayin ko pa si Kuya para sabay na kaming umuwi." Tumango ito at pansin ko ang pamumula ng tenga nito at ang paghigpit ng hawak niya sa strap nang bag niya. Sa mga gestures niyang ganito ang cute niya.

"A-ah pwede ba tayong mag-kwentuhan muna? Hihintayin ko din si Ate eh." Parang nahihiya pa ito.

"Oo naman bakit naman hindi?"

"Thank you, Chanel. Nahihiya talaga akong lapitan ka." Nagsimula na kaming maglakad papuntang parking lot. Nauna nang umuwi sina Andrea at Veronica and may practice pa si Clint sa basketball.

Mahina akong natawa. "Bakit naman?"

"Eh kasi mukhang masungit ka at hindi pumapansin sa mga tulad ko. At parang nakaka-intimidate kang kausapin." Napahinto ako sa paglakad at humarap sa kanya ganun din siya.

"Ganun ba talaga tingin mo sa akin?" Parang nagtatampo yung boses ko kaya nataranta siya.

"G-gusto ko lang kasing maging totoo sa'yo kaya ko yun sinabi." Bakit kay Yvette? Magaan ba ang loob niya kaya niya ito napapansin? Hmp!

Eto yung isang gusto ko kay RK. Napaka-inosente niya kasi at straight forward. Siya yung klase nang tao na hindi peke. Honestly speaking marami ang mga estudyante dito na kakaibiganin ka lang kasi sikat ka at goodlooking pero pag pangit ka balewala ka na or worst mabu-bully ka pa. Magaan ang loob ko kay RK.

"Salamat, RK. But yeah, I'm Maldita and masungit pero sa iba lang yun. Mabait naman ako sa mabait sa akin kagaya mo."

"I'm sorry kung ganun ang impression ko sa'yo-" I put my index finger on her lips to shut her up. Napatitig ako sa mga mata niya.

"Thank you for being honest with me and sa totoo lang matagal ko ng napapansin ang panakaw mo ng titig sa akin."

Gusto kong matawa ng makitang namula ang pisngi nito.

"S-sorry! Ang ganda mo kasi eh."

"Salamat. Ang honest mo talaga."

"Ganun talaga ako. Ayoko sa sinungaling." Tumango ako at nagpatuloy kami sa paglakad.

"Ahm, Chanel?"

"Hmm?"

"Totoo ba yung rumor na nililigawan ka na ni Clint?"

"Yes." I just want to be honest with her besides she hates liar. Gusto ko lang din maging totoo sa kanya.

"Mukha kasing babaero na sadboy." Bigla niyang sinabi kaya natawa ako. Natatawa na rin siya sa sinabi niya.

"Hindi ko akalaing masasabi mo yan. Mabait naman si Clint." Although, half true yung sinabi niyang sadboy ito hahaha

Tumango siya. Nakarating na kami ng Parking lot nandun na rin ung itim na Mercedes Benz na kotse namin. Nandun na din si Manong sa labas at naghihintay sa amin.

Mabilis niya akong pinagbuksan ng pinto. "Thank you!" Sabi ko at ngumiti sa kanya.

"You're always welcome!" Pumasok na ako saka niya binigay sa akin ang mga books na binitbit niya at maya maya pa dumating na din sina Kuya at sumakay. Humalik pa ito sa pisngi ni Ate Kylie at nag-fist bump kay RK.

Nakita kong yumakap sa braso ni RK si Ate Kylie, Ang sweet nila. Kumaway na ako sa kanila kumindat lang sa akin si RK. Aww kinilig ako dun ah.

The World Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon