Chapter 10- Sensual Feeling

95 7 0
                                    

RK's POV

Naglalakad ako ngayon papunta sa isang bakanteng room nag-text kasi sa akin si Chanel na dun ko daw siya hintayin kasi may gagawin pa sila ng mga kaibigan niya. I really don't know why but mabigat ang loob ko sa mga kaibigan niya parang kinaibigan lang siya for fame pero ayoko naman pangunahan siya at baka magalit.

Pumasok na ako dun sa bakanteng silid at kakaibang amoy agad ang bumungad sa akin. Ilang taon na 'bang inabandona ang silid na ito? Geez! Bakit dito naisipan ni Chanel na makipag-usap sa akin? Puno ng alikabok ang paligid at parang sisipunin pa ako dito. But, I don't care about that alam ko naman na nag-iingat lang siya kasi baka may makapuna sa pagiging malapit namin sa isa't-isa.

Napalingon ako ng bumukas bigla ang pintuan at bumungad sa harapan ko si Chanel na nakasimangot. Sinara niya ang pinto at ni-lock.

"B-bakit dito mo ako pinapapunta?" Lumapit siya sa akin bigla at napalunok ako dahil sobrang lapit na niya sa akin. Fuck! Uniform pa nga lang sinusuot niya pero sobrang seductive na niya sa paningin ko.

"Gusto ko lang. Bakit? Masama ba?" Mataray nitong saad saka inirapan ako.

"Wala naman. It's just that parang sa tanda ng room na ito at sa tagal nang pagiging abandonado nito pwede ng tirahan ng multo." Mahina siyang natawa sa sinabi ko.

"Bakit? Natatakot ka ba sa multo?" Umiling ako dahil hindi naman talaga ako natatakot sa multo eh. Nagtataka lang ako bakit dito ang napili niya? Pwede naman sa rooftop o kaya sa iba pa na hindi kami mahahalata.

Napalunok ako lalo ng inilapit niya ang mukha niya sa akin. "C-chanel."

She's smirking while looking at me sensually. "Wala pa nga akong ginagawa kinakabahan ka na."

Damn it! She's just teasing me. "Akala ko ba mag-uusap tayo dito? Bakit mo ginagawa ito?" Nahihirapan ako magpigil shit!

"Nag-uusap naman tayo ah." Naamoy ko na ang hininga niyang amoy mint. Her lips looks so sexy at para akong inimbitahan na halikan yun.

"A-ah! Pakibilisan na lang please! May gagawin pa kasi ako eh." Palusot ko lang para makalabas na ako dito kasi feeling ko kinakapos ako sa paghinga.

"At, ano naman ang gagawin mo?" Bumalik sa pagiging mataray ang boses nito. Hindi ko akalain na ganito siya pag tino-topak hahaha.

Naalala ko si Dianne kasi baka naghihintay na sa kanya si Nanay Minda eh. "Basta atsaka bakit ba? Kung makaasta ka parang pag-aari mo ako."

"Ibang babae ba aatupagin mo? Si Yvette ba? Or, iba?" May pagbabanta sa boses nito. Lumayo ako sa kanya at inayos ang specs na suot ko.

"Aiden, answer me!" Huminga ako ng malalim. Sasagot na sana ako ng mag-ring ang phone ko. Tumalikod ako sa kanya bago ko sinagot ang tawag.

"Hello! Who's this?"

"Ah, hello! Ako ito si Dianne. Hiningi ko kay Miss Kylie yung number mo."

"Oh! Hi, Dianne! Bakit ka nga pala napatawag?" Ramdam ko ang inis nang taong nasa likuran ko kasi nagsasalita siya pero hindi ko maintindihan.

"Pinapasabi kasi ni Miss Kylie na umuwi na hinahanap ka niya kaso hindi ka mahanap."

Sasagot na sana ako nang may humablot bigla sa phone ko. "Who are you?! Hindi mo ba alam na istorbo ka sa pag-uusap namin ni Aiden?!" Bakas ang iritasyon sa maganda nitong mukha habang masamang nakatingin sa akin and now, I feel so sorry for Dianne.

Pinatay niya na ang phone saka padabog na binigay sa akin ang phone ko. Ngumisi ako.

"Are you jealous?" Inis na humarap siya sa akin at nabigla ako kasi bigla niya akong hinila sa kwelyo at siniil ng halik ang labi ko. Shit! Ang lambot at mapag-parusa ang halik niya.

Fuck! Biglang uminit ang pakiramdam ko and I really can't take this anymore. Mabilis kong hinapit ang bewang niya at marahas na gumanti ng halik sa kanya. Isinandal ko siya sa nakalock na pintuan at mapusok na hinalikan siya. Hinaplos ko ang bewang niya while kissing her neck. Tinagilid niya rin ang ulo niya to give me access para mas lalong mahalikan ko ang leeg niya.

Napatigil lang kaming dalawa nang makarinig ako ng katok sa labas. Mabilis ang pag-hinga naming dalawa habang nasa ganun pa ring pwesto. Nakayakap siya sa batok ko habang nakahawak ako sa bewang niya. Naman oh! Istorbo naman yung kumatok.

The World Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon