Chapter 14- Court

94 7 0
                                    

Aiden's POV

I never been this happy! Sobrang saya ko nung inamin niya na mahal niya din ako. Hindi ako makapaniwala na may nararamdaman din pala siya sa akin and barely understand her kung bakit niya ako iniiwasan kasi natatakot siya.

Medyo nalungkot lang ako sa part na nakiusap siya na sana secret lang muna namin ito kasi baka magkagulo if ever na lumantad kami in public. And, I understand her ganun ko siya kamahal.

"So, ano'ng trip niyong dalawa ngayon? Taguan with feelings?" Mataray na sambit ni Jigs sa amin. Kaibigan ko, nandito kami ngayon sa bahay niya kasi basang-basa na talaga kami.

Ayoko namang umuwi kami na ganito baka ano pa isipin nila lalo na nang parents ni Chanel.

"Aish! Wag ka na nga epal. Bilhan mo na lang kami nang damit para makauwi na siya sa bahay nila." Tinaasan niya lang ako nang kilay. Itong baklang 'to!

"Ano mo ako? Yaya? Hayy naku, RK! Jusko! Kung hindi lang kita kaibigan." Mahina akong natawa kasi puro siya reklamo pero hindi niya naman ako matiis.

Padabog siyang tumayo at nagpaalam na bibili lang ng damit at pagkain. Kumuha ako ng towel at binigay kay Chanel.

"Hindi ko alam na pag nagseselos ka pala trip mong magpabasa sa ulan." Sinamaan niya ako ng tingin.

"Pinapaselos mo kasi ako eh."

"Ikaw naman kasi nagtulak sa akin para gawin yun." Malakas niyang hinatak sa akin ang towel saka tinalikuran ako.

"May sinabi ba akong makipag-landian ka sa iba?" Napatingin lang ako sa kanya habang dahan dahan niyang tinatanggal ang blazer na suot. Napalunok ako nang wala sa oras at umiwas ng tingin.

Tangina! Biglang uminit eh ang lamig naman dahil sa umuulan pa rin ngayon. Ang sexy kasi ng dating sa akin nung tinanggal niya ang blazer niya.

Tapos ngayon yung necktie naman ang tinanggal niya. Para akong pinagpawisan sa ginagawa niya.

"D-dun lang ako sa CR." At agad na akong tumalikod sa kanya dahil hindi ko na talaga matiis at baka mahalikan ko siya.

Pagkasara ko ng pinto agad akong napasandal at pumikit saka napabuga sa hangin. Narinig ko ang mahinhing pagtawa ni Chanel sa labas.

"Ano ba, Aiden! Hindi pa nga ako naka-hubad nate-tense ka na diyan. Don't worry tinanggal ko lang yung blazer at necktie." Tinanggal ko na rin ang coat na suot at bahagyang niluwagan ang necktie saka bumuntong hininga at lumabas. Nakangisi siya habang nakahalukipkip at nakatingin sa akin.

Lumapit siya sa akin at tumingkayad saka ginulo ang basa ko pang buhok. "Ang cutie mo talaga, Aiden! And I never thought na magiging ganito ka ka-hottie sa ayos mo ngayon."

Tinanggal niya ang specs na suot ko at tumitig sa mata ko. Nilagay niya ang kamay niya sa balikat ko at nilapit ang mukha sa akin.

I never thought na magiging ganito sa akin ang crush ko. "I love you, Chanel!" Bulong ko sa kanya.

"I love you too!" Sumaya ang puso ko sa narinig.

"Pwede na ba kitang ligawan?" Hinawakan ko ang bewang niya at nilapit ang mukha ko sa leeg niya saka dinampian ng halik ang leeg niya.

"A-ang harot mo!" I chuckled saka pinagpatuloy ang paghalik sa leeg niya pababa sa collarbone niya.

Tinagilid niya ang ulo niya to give me access para malaya kong mahalikan ang leeg niya.

"Answer my question." At mas lalo ko siyang hinapit papalapit sa akin.

"Aiden, sigurado na ba talaga tayo dito?" Nilayo ko ang mukha ko sa leeg niya at ngumiti sa kanya.

"Yes, siguradong-sigurado na ako sa'yo."

"I'm still afraid. Baka kasi may makaalam tungkol sa atin." Bumuntong hininga ako.

"I understand. Sige hindi ko na ipipilit na ligawan ka." Hinawakan niya ang pisngi ko saka pinaharap sa kanya.

"Naiintindihan mo naman ako di'ba?"

Tumango na lang ako pero hindi ko maiwasan hindi malungkot. "Oo, naiintindihan kita."

"Hindi ka ba galit? Baka makipag-landian ka na naman kasi kay Yvette eh." Tipid akong ngumiti saka dinampian ng halik ang noo niya.

"Kahit landiin niya ako sa'yo pa rin ako. Ikaw lang ang mahal ko." Ngumiti siya saka siya na ang nag-initiate ng kiss sa akin.

"Ang harot niyo!" Napahiwalay agad sa akin si Chanel at parang nahihiya dahil sa biglang pagdating ni Jigs.

"Ikaw talaga bakla oh!" Binato niya sa akin ang paper bag na may logo ng isang branded na clothing line.

Kilala niya si Chanel syempre dun din siya nag-aaral sa Harrison eh kaso yun nga lang bet niya mapag-isa lagi pero tunay ko siyang kaibigan.

Binigay ko kay Chanel ang isang paper bag at pinauna ko na siya sa CR. Kinuha ko muna ang towel at pinunasan ang buhok ko.

"Hindi ka ba natatakot sa maaring mangyari sa inyo oras na malaman ng lahat ang tungkol sa inyo lalo na ng parents niyo?" Tanong ni Jigs pagkalapit sa akin.

Umiling ako saka kinuha ang tasa na may lamang kape. "Ganito siguro pag nagmahal ka di'ba? Walang takot kang mararamdaman hangga't kasama mo ang taong mahal mo."

"Hayy, matagal mo na nga palang pangarap 'to pero gaano ka kasigurado na hindi ka niya sasaktan ulit?"

Natigilan ako sa pag-inom ng kape. "Kung masasaktan man ako worth it naman kasi ipaglalaban ko naman siya."

"Ako yung kinakabahan sa pinasok niyo. Alam niyo namang magkaaway ang pamilya niyo tapos pareho pa kayong babae I'm sure huhusgahan kayo ng lahat."

"I'm not afraid. I'm willing to lose everything just to be with her." Napailing siya.

"Hayy iba din talaga pag tinamaan na ng pana ni Kupido." Mahina akong natawa sa sinabi niya.

The World Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon