Chapter 44- Longing

30 3 0
                                    

Chanel's POV

Huminto kami sa harap ng isang magarang pintuan kung saan nakasulat ang pangalan ni Aiden sa isang mamahalin na metal plate. Russell Kaiden Aldivar/ Chief Executive Officer

Huminga muna ako ng malalim bago ako pagbuksan nang pinto ng tauhan niya. Mabango at malawak sa loob. Full glass wall yung sa likod ng swivel chair niya, Magarang mesa, may dalawang mamahaling kulay itim na couch sa harap ng mesa niya at kulay gray ang interior design ng office niya. It looks so neat and manly, typical Aiden that I know.

Nakatalikod siya sa akin, nakaharap siya sa glass wall habang nakapamulsa.

"Pwede niyo na kaming iwan." Nakita kong yumuko muna mga tauhan niya bago lumabas.

"Why are you here?" Seryosong tanong niya sa akin saka humarap.

"I want to talk to you." Inis na saad ko sa kanya. Humakbang siya papalapit sa akin.

Napalunok ako dahil para na namang binuhusan ng energy drink ang puso ko sa lakas ng pagtibok nito. She lick her lips bago tumitig sa harap ko.

"About what, Miss Hermosa?" She's wearing a crisp white polo at hindi naka-butones ang dalawang unang butones sa polo niya. She looks so attractive and I want to ki-damn it Chanel! What are you thinking?

"Ikaw ba ang bumili ng mga magazine?" Halatang nagulat siya sa tinanong ko.

"Why would I do that?" Maang-maangan pa ito pero nakita ko sa ibabaw ng mesa niya ang isang magazine kung saan ako yung cover girl.

"Really? Ayaw mo pa umamin eh inamin na sa akin ni Kuya." Inirapan ko siya.

Kumibit balikat siya at tanggap na hindi na siya makakalusot pa.

"Fine! I did that. I-i just don't want them drooling at your body at ang dami pa namang manyak ngayon at sa tingin mo hahayaan ko na minamanyak ka nila? And that's for my eyes only." Naguluhan ako sa huling sinabi niya.

"May girlfriend ka na pero ginagawa mo pa rin ito sa akin! How dare you!" Galit kong saad sa kanya.

"Yeah, I have a girlfriend and she's fuming mad infront of me right now." Huh? Baliw ba siya?

"Wag mo ako pinaglalaruan, Aiden! I'm serious here." Lumapit pa siya lalo sa akin.

"I came back for you and I'm so sorry if I'm late." Napakurap ako at uminit ang gilid ng mga mata ko dahil sa sinabi niya pero nandito pa rin ang hinanakit sa puso ko.

I push her chest habang tahimik na umiiyak. "Y-you're too late! 6 years kang nawala tapos babalik ka na parang walang nangyari!" Umiiyak akong naglabas ng sama ng loob sa kanya na kinimkim ko sa loob ng ilang taon.

"I-i'm sorry. I will explain everything kung bakit natagalan akong umuwi." Hindi niya ininda ang pagtulak ko sa kanya instead ay lumapit lang siya ulit sa akin at niyakap ako.

"I-i'm so broken when you left." Wala na akong lakas na itulak pa siya at napasubsob na lang ako sa dibdib niya habang mahigpit na napahawak sa polo niya.

"I suffered amnesia for 3 years. Isang taon pa daw akong na-comatose sa Amerika bago ako nagising at wala akong naalala kahit pangalan ko. Nahirapan ako dahil wala akong maalala pero nandun si Dad para suportahan ako. I got therapy for 1 year at yun ang simula ng pag-galing ko. Habang nag-aaral ako dun ay unti-unting bumalik ang alaala ko. I cried harder when I remember you and about us. I got angry kasi iniwan kita ng walang pasabi. Naisip ko na bago ako bumalik sa'yo ay successful na ako at maayos na ako and I deserve you and you deserve me." Tumingala ako sa kanya.

"W-what? Na-amnesia ka?" Gulat kong tanong sa kanya. Malungkot siyang tumango sa akin.

"I'm so sorry baby and now, I'm here at hindi na kita iiwan pa kahit ano pa ang mangyari. I will never leave you again." Dinampian niya ng halik ang noo ko.

"A-aiden."

"Do you still love me? Because, I still love you damn much, baby." Hindi agad ako nakasagot.

Bahagya siyang kumalas sa akin at hinawakan ang pisngi ko. "Do you love him?" Matigas ang boses na tanong niya sa akin.

Umiling ako at yumakap ako sa kanya ng mahigpit saka pumikit. Sa kanya ko lang mararamdaman ito. The feeling that I'm home and safe.

"I don't love him. Matagal ko na rin sinabi sa kanya na wala siyang chance pero pursigido talaga siyang makuha ang oo ko. N-nasabi ko lang yun nung reunion kasi nagseselos ako nung sinabi mong may girlfriend ka na." Itinago ko ang mukha ko sa leeg niya at mahina siyang hinampas nung marinig ko siyang tumawa.

"Nagseselos ka sa sarili mo?" Pang-aasar pa nito sa akin.

"Asari mo pa ako hmp." Muli ko siyang narinig tumawa kaya sinamaan ko na siya ng tingin at dun lang siya natigil sa pagtawa pero makikita ko pa rin na nakangisi siya.

"I can't believe that you're in my arms again. I will never let you go again." Yumakap ako sa batok niya.

"Promise me na hindi mo na ako iiwan pa."

"I promise, baby." With that ay muli kong naramdaman ang labi niya sa labi ko na nagpapikit sa mga mata ko at masuyo niyang hinalikan ang labi ko na mabilis ko namang tinugon.

The World Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon