Chapter 9- Dianne

88 8 0
                                    

RK's POV

Kabado ako habang nag-aayos para sa pagpasok sa school. Kakausapin ko ba siya o ano? Hayyst! Ginulo ko ang buhok kong kakaayos ko lang. Kinuha ko na ang bag ko at sinuot ang specs saka bumuntong hininga at humarap sa salamin. Teka! Bakit kakabahan ako? Mag-jowa ba kami? Bakit magpapaliwanag ako sa kanya? Dinaig niya pa ang jowa kung mag-tampo eh napangiti ako sa naisip at lumabas na ng silid ko. Naabutan ko si Ate na kakalabas lang din ng silid niya.

Umupo na ako saka napangiti nang makita ang ulam. Natakam ako bigla at naalala na iisang tao lang ang nagluluto sa amin nito. Yung Yaya namin simula pa noong mga baby kami, siya yung nag-alaga talaga sa amin kasi laging busy sa business sina mommy and daddy.

Nakangiti si Ate sa akin. "Ate, nandito ba si Nanay Minda?" Tumango siya saka may itinuro sa likuran at sumaya talaga ako ng makita siya. Agad akong tumayo at lumapit kay Nanay na nakangiti sa akin ngayon. Mahigpit ko siyang niyakap at naiiyak ako kasi matagal na siyang umalis kasi may katandaan na rin kasi si Nanay Minda at gusto na ng mga anak niya na magpahinga siya kaya hinayaan na lang nina Mommy kahit labag sa kalooban namin. 2 years na rin ata ang nakalipas simula ng huli namin siyang makita kaya sobrang saya ko na nandito siya ngayon.

Hinagod niya ang likuran ko. "Namiss kita, anak. Kamusta kayo ng Ate mo dito? Hindi ba kayo nahihirapan?"

Umiling ako. "Hindi naman po pero busy lang talaga kami sa school kaya kailangan din talaga namin ng kasama dito." Ngumiti si Nanay, nanatili akong nakayakap sa kanya.

"Pasensiya ka na anak kasi mahina na talaga si Nanay pero yung anak ko pwede na siya magtrabaho dito. Mabait yun at masipag kaya wala kayong mapipintas kay Dianne."

Napalingon ako kay Ate and she approved. Tuwang-tuwa talaga ako kasi kahit wala si Nanay nandito naman ang anak niya para tulungan kami dito.

"Kinausap na ako ni Ma'am Martina about dito kaya wala na kayong dapat ipag-alala." Tumango ako saka ngumiti ulit.

"Salamat sa pag-dalaw sa amin dito, Nay. Sino nga po pala ang kasama niyong pumunta dito?" Luminga ako sa labas kasi baka meron siyang kasama at nahihiya lang na harapin kami.

"Kasama ko si Dianne anak kaso nandun siya sa bahay ng pinsan niya ngayon kasi gusto niya daw kumuha ng test para sa scholarship sakto at dun din pupunta pinsan niya kaya sumama na lang siya pero hinatid niya ako dito." Tumango at naisip na ano'ng paaralan ang kukunan ng test ni Dianne.

"Ano po pala pangalan ng school na papasukan ni Dianne, nay?"

Ngumiti siya. "Sa Harrison University, anak."

Lumapit na rin si Ate sa amin. "That's good, Nay. We can help her na makapasok sa school at no need na niya kumuha ng exam kami na ang bahala."

Tumango ako. "Saka nandun na po ba siya sa school ngayon? Papasok na rin po kasi kami ngayon kaya kakausapin na lang din namin siya."

"Baka pumunta na sila dun, Anak. Salamat sa inyo ha! Mapapanatag akong nandito siya nagta-trabaho at may makakasama pa siya sa School."

"Malaki ang utang na loob namin sa'yo, Nay. Kaya gagawin din namin ang lahat para sa inyo."

Niyakap niya kami ni Ate. "Malalaki na mga alaga ko." Niyakap din namin siya. Kumain na lang muna kami at pumasok na ng school. Hinayaan na lang namin si Nanay Minda dun sa condo namin kasi isasabay na lang namin pauwi mamaya si Dianne para sabay na sila umuwi mamaya ni Nanay.

Habang naglalakad ako sa hallway nahanap agad ng paningin ko si Chanel na kasama ang mga kaibigan niya at naalala bigla na nagtatampo nga pala siya sa akin. Sumama na si Ate kay Chris kaya eto solo flight na naman ako. Tinaasan ako ng kilay ni Chanel na siyang nagpalunok sa akin.

Lalapit sana ako pero naalala ko na kasama niya mga kaibigan niya at marami din mga estudyante sa paligid kaya dumeretso lang ako ng lakad na hindi siya tinitingnan. Nakahinga ako ng maluwag saka pumunta sa office para kausapin si Dean na wag na mag-exam si Dianne Sarmiento kasi kilala namin siya at tinawagan ko rin si Lolo about sa pagpasok ni Dianne dito sa Harrison University ng libre at sumang-ayon siya. The best talaga si Lolo! Lumapit si Dean sa akin kasama na ata yung si Dianne at napangiti ako saka hinarap siya. Maganda siya at morena saka halatang mahiyain.

"Hi! I'm Russel Kaiden Harrison, just call me RK. Isa ako sa mga alaga ng Nanay mo at nandito ako para sabihin na libre ang pag-aaral niyo ng pinsan mo dito." Nanlaki ang mga mata niya saka napahawak sa bibig at halatang tuwang-tuwa sa sinabi ko.

"Hala! Ang mahal dito! Nakakahiya naman, Ma'am I mean RK." Ngumiti ako.

"Don't worry kami na bahala sa lahat you don't have to worry at sasama ka sa amin ni Ate mamaya pag-uwi kasi nandun si Nanay Minda sa condo namin."

"Maraming salamat, Ma-RK! I didn't expect this po salamat po talaga wag po kayong mag-alala magiging masipag po ako." Tumango ako saka ngumiti.

Humarap ako kay Dean. "Bukas pwede na po ba siyang magsimulang mag-aral dito, Dean?"

"Yes, RK. And meron nang consent ni Senyor kaya pwede na. I just need her files." Tuwang-tuwa si Dianne at sa tuwa niya napayakap siya sa akin na siyang ikinabigla ko. Mabilis naman siyang lumayo sa akin.

"S-sorry! Masaya lang kasi talaga ako eh."

"No worries." Nagpaalam na ako sa kanila kasi papasok pa ako sa klase ko. Nang makapasok ako ng room agad na dumako ang tingin ko kay Chanel na masama ang titig sa akin ngayon.

Umupo na lang ako at hindi na siya pinansin. Wala pa naman si Prof kaya nag-sketch na lang muna ako. Gumuguhit na ako ng tumunog ang phone ko agad kong kinuha yun at tiningnan kung sino ang nag-text and it's from her. Napalunok ako ng mabasa ang text niya.

"I really hate you! Why are you avoiding me?"  Yan ang text niya na siyang nagpakaba sa akin.

"I'm sorry! Pero kasama mo kasi mga kaibigan mo eh baka ano isipin nila. Let's talk later." Reply ko sa kanya. I just hope na makapag-usap kami ng maayos mamaya.

The World Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon