Chapter 42- Reminiscing

25 3 0
                                    

Chanel's POV

Kalahating oras na ang nakalipas pero wala pa rin may nagsasalita sa aming dalawa. We choose to go to the rooftop para daw magkaroon kami ng time na mag-usap nang kaming dalawa lang.

"Akala ko ba mag-uusap tayong dalawa?" Usisa ko sa kanya. Nakita kong napabuntong hininga siya saka humarap sa akin.

Niluwagan niya rin ang necktie niya dahilan para umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi pa rin mawawala ang epekto niya sa akin.

"It's been years and marami ang nasayang na sandali sa ating dalawa. I'm so sorry kung iniwan kita." Lumapit siya sa akin at hahawakan sana ang kamay ko pero pinigilan niya ang sarili niya.

Ofcourse, may gf na eto at respect na rin kasi kahit mahal ko pa rin siya ay nirerespeto ko yung bago niyang girlfriend.

"Nangyari na yun at wala na tayong magagawa pa dun. Marami lang what ifs." Maluwag naman dito sa rooftop pero pakiramdam ko kinakapos pa rin ako sa paghinga dahil kasama ko siya ngayon dito sa lugar kung saan kami palihim na nagkikita noon.

"H-how are you?" Seryoso pero may bahid ng kaba ang boses niya habang mataman na nakatitig sa akin.

"I'm fine."

"I heard that you're a famous actress and model now." Lumalim ang boses niya at mas lalo siyang tumangkad.

She looks like a fine man now pero alam ko siya pa rin yung Aiden na may crush sa akin noon at kinakabahan pag nakikita ako. Mapait akong napangiti sa naalala ko.

"Yeah at sikat ka na ring tycoon ngayon." Tumango siya.

"M-may boyfriend-"

"How's your girlfriend?" Nabigla ako kasi nagsabay yung tanong naming dalawa.

"I have no boyfriend but meron nanliligaw sa akin ngayon and he's an actor, my love team."

Napatingin siya sa akin dahil sa sinabi ko at hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero nakita ko sa ekspresyon ng mga mata niya ang pagseselos. Bakit naman siya magseselos? Eh siya nga etong may girlfriend eh.

"May plano ka bang sagutin siya?" Seryosong tanong nito sa akin habang hindi inaalis ang tingin sa akin.

"If he's too persistent and nakikita ko namang gentleman and caring siya then I won't hesitate to say yes." Casual kong saad. Teka! Bakit ganito pinag-uusapan naming dalawa?

"Mas gwapo pa ako dun." Bulong niya na rinig na rinig ko naman at palihim na nagpangiti sa akin.

"May sinasabi ka?" Agad siyang umiling atsaka inayos ang coat niya.

"Nothing. About my girlfriend. She's fine now and I'm telling the world how much I love her soon." Nakangiti niyang saad habang nakatingin sa malayo.

Nasaktan ako dahil sa sinabi niya pero wala na akong magagawa kung may nagpapasaya na sa kanya ngayon and besides I respect that. Sadyang pinagtagpo lang talaga kami pero hindi itinadhana. Masakit man pero kailangan tanggapin na may darating at aalis sa buhay mo.

Tumayo na ako kasi medyo late na rin at susunduin pa ako ni Francis. Just as I about to talk to Aiden nang mag-ring ang phone ko.

Napatingin si Aiden sa phone ko kung saan nakarehistro ang pangalan ni Francis sa screen ng phone ko.

Sinagot ko yun at tumalikod sa kanya. "Hello."

"Hey, beautiful. Tapos na ba reunion niyo? I'm here now."

"Oh okay. Magpapaalam lang ako sa mga kaibigan ko at lalabas na ako."

"Okay." Rinig kong saad niya at binaba na ang phone.

Humarap ako kay Aiden na may seryosong ekspresyon pa rin sa mukha. "I gotta go. Nandiyan na si Francis at magpapaalam pa ako sa mga kaibigan ko."

Tumango siya. Tipid akong ngumiti sa kanya at tinalikuran siya.

Hahakbang na sana ako paalis pero muli niyang tinawag ang pangalan ko na miss na miss ko na.

"Chanel."

Muli akong humarap sa kanya at ngumiti. "Yes?"

"Magkikita pa naman tayo ulit di'ba? This is not the last time right?" Nagsusumamo nitong tanong sa akin.

"We'll see." Umalis na ako dun at hindi na kinakaya ang nadarama ko. Bumuntong hininga muna ako bago lumapit sa mga kaibigan ko.

"Nandiyan na si Francis and may dinner pa kami." Napanguso sila at hinawakan ang kamay ko.

"Nag-usap ba kayong dalawa?" Nag-aalalang tanong ni Andrea

"Yes and we're good now." Mukhang ayaw pa nitong maniwala sa sinabi ko.

"Weh? Eh kitang-kita sa mga mata mo kung gaano mo siya namiss."

"Basta okay na kaming dalawa and aalis na ako." Saka ako nagpaalam na sa kanila kasi naghihintay na sa labas si Francis and baka may makaalam pa na nandito kami eh mahirap na.

Sinamahan ako ng mga guard hanggang sa makapunta sa kotse ni Francis kung saan naghihintay na siya sa akin sa labas ng kotse niya habang nakasandal sa hood ng kotse niya.

Nang makita ako ay napangiti siya at agad na lumapit sa akin.

"Hey, let's go?" Ngumiti ako sa kanya atsaka tumango. Pinagbuksan na niya ako ng kotse at pumasok na ako.

The World Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon