CHAPTER 2

275 3 0
                                    

We are in Valentino, his restobar. Naipundar niya ito sa kalagitnaan ng kasikatan niya. It has branches all over NCR and Bicol region.

Ikatlong araw na namin dito sa probinsiya at hindi ito ang unang beses naming pagbisita dito sa loob ng tatlong araw na naming pananatili sa Hacienda. Marami na ang taong kumakain dahil siguro alas sais na rin ng gabi at oras na para maghapunan. Maya-maya pa ay tataohin pa ito dahil sa magsasayang mga tao.

Henrico is busy helping his people in the kitchen. He's so hands on, dati pa man kahit sikat siya ay naglalaan siya ng oras para sa negosyo niya. I've seen his passion and dedication and I admire him for that.

Nasa sulok ako dahil pinili kong dito pumuwesto para hindi agaw atensiyon. Nakasuot ako ng itim na sombrero na si Henrico mismo ang nagsuot sa akin. May suot din akong face mask. I know I look weird with this get up. Kilala pa rin ako ng mga tao at mabuti na ang nag-iingat.

Marami pa ring humahanga at dumadayo kay Henrico kahit matagal niya nang iniwan ang banda, kaya mahirap nang makita kaming magkasama.

Nakita ko siyang lumabas ng kusina dala ang isang tray. Iginala niya ang mga mata at agad na natagpuan ang mga mata ko. I smiled at him, kahit hindi naman kita dahil sa suot kong mask. He effortlessly carried the tray. Umuusok pa ang pagkaing dala niya. He stopped at the table for two, mukhang magkarelasiyon. I saw him talked to the couple a bit and nodded when the girl asked for a picture. Nakita ko pa kung paano mahinang hinampas ng babae ang lalaking kasama niya na para bang kilig na kilig bago tumayo para makatabi kay Henrico.

I saw women admire my man. Wala atang hindi kikiligin sa isang Henrico Valentino. His voice is to die for, his look and appeal couldn't left unseen. He's perfect in my eyes. From his man bun, thick brows, mysterious and intimidating eyes, pointed nose to his red natural lips, he looks so damn forbidden to be this gorgeous.

Pagkatapos paunlakan ay naglakad siya papalapit sa table ko. I am looking at the couple he served who are now curiously looking at us. Umiwas din ng tingin nang makitang nakatingin ako. Nagpanggap na lang akong nagbabasa ng menu para hindi na magising pa ang malilikot na isip ng mga makakakita sa amin.

"Are you okay here?" pagtatanong niya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. Marahan akong tumango. He nodded too. "I already asked the kitchen to cook for our dinner. Sa opisina ko nalang tayo kumain." alam kong ayaw niya naman talagang doon kami kumain pero dahil alam niyang ayokong makita kaming magkasama ay doon nalang kami.

Muli akong tumango.

"I'll just help the kitchen and follow you in my office after." tango lang ulit ang isinagot ko. Kita ko na naman ang pagtitimpi sa mukha niya na para bang kanina pa siya hindi natutuwa sa mga nangyayare. Tumango rin siya bago ako iniwan sa mesa.

I watched him entered the kitchen before I stand up to go to his office. Alam kong medyo matatagalan pa siya kaya pinili ko nalang na maupo sa swivel chair niya at buksan ang laptop sa mesa niya. Wala namang kaso sakanya kapag ginagamit ko ang mga gamit niya. He willingly offers them actually.

I saved the document and go to his emails. It's his business email kaya puro tungkol sa negosyo ang mga email doon.

Binuksan ko ang personal email niya at doon bumungad sa akin ang napakaraming unopened emails from different brands, ordinary people and people from show business. I was in awe because big brands are still messaging him to have collaboration with them. Hindi naman lingid sakanilang matagal nang iniwan ni Henrico ang industriya.

Mangha akong tiningnan iyon. I even saw some of the brands that I also collaborated with. Ang iba dito ay nag-o-offer din sa akin. Hindi ko binuksan dahil wala ako sa posisyong basahin ang mga 'yon. Bumaba pa ako at napakarami niya talagang natatanggap na offers. May nakita pa akong car company which is very famous for their sports car. Hindi ba dapat si Gregory ang ini-email nila dahil siya ang mahilig sa sasakyan at car racer? Well, I couldn't blame them. Iba ang hatak ni Henrico sa tao.

Hold Me TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon