Mahigpit na pinagbawal ng direktor namin ang paggamit ng cellphone kahit pa tapos na ang shoot. Kailangan daw naming iinternalize ang script at araling mabuti ang mga susunod na eksenang kukunan. Pabigat na nang pabigat ang mga eksena kaya kailangan talagang makuha ang tamang emosiyon. Naiintindihan ko naman kung bakit ginagawa sa amin 'to dahil may ilang beses ko na ring naexperience ang ganitong set up.
I have a spare phone at patago ko 'yon na ginagamit. Madalas kapag nasa banyo ako para walang makaalam. Maliit na phone lang 'yon. Sinadya kong ganun para madaling itago at magamit ng patago. Mapapagalitan ako ng sobra kapag nahuli akong may tinatagong phone. Aside from that, it will also sparks assumptions. Maghihinala sila kung sino ang kinocontact ko at hindi ko mahintay na matapos ang mabigat na eksena bago itext ang taong 'yon. The more I have to be careful.
Ako:
Phone isn't allowed in the taping. I can't text or call you right now using my personal phone. I'm using my spare phone. I miss you, Val.I texted Henrico. Hindi ko na hinintay na magreply siya dahil baka maghinala na sila dahil sa tagal ko sa CR. Tinago ko ang phone sa bag ko at agad na pinagtuonan ng pansin ang script. I internalized my lines and the emotions needed for the scene. Kailangan kong sabayan si Vael. Hindi pwedeng may isang nangingibabaw sa aming dalawa. Kung anong ibinabato niya, ganun din ang ibabato ko.
Isang nakakapagod na araw na naman ang natapos. Mabuti nalang at tumigil na si Vael sa kakakulit sa akin tungkol sa relasiyon namin ni Henrico. Mukhang hindi siya binigyan ng pagkakataon ngayong araw dahil sa bigat ng mga eksena. Pareho naming pinagtuonan ng atensiyon ang eksena namin. It was intense and emotional.
Nakahiga na ako sa kama nang maalala ko ang cellphone na tinatago ko. There are texts from Henrico.
Val:
Thank God you texted, Vania. I was so worried.I miss you.
Text me if I can now call.
Agad akong pumasok sa banyo at doon nagkulong. Madalas may nag-che-check sa mga kwarto kaya baka maabutan akong nagcecellphone at isumbong pa ako kay Direk.
I texted him that he can now call. Hindi nagtagal ay nakita ko na ang pangalan niya sa screen. I answered his call.
"How was your day?" ngumuso ako kahit hindi niya naman nakikita.
"I'm so tired." pagod at halos nagsusumbong na sagot ko. "I want a massage, Val." paglalambing ko.
"Are you allowed to go outside? I'm outside your place." mabilis akong tumayo at nabuhayan. Para akong pinasahan ng energy sa narinig ko.
"I'll see what I can do." sabi ko at pinatay na ang tawag. I placed my phone in my brassiere and went out of the comfort room. Nagkagulatan pa kami ni Tita B paglabas ko. Huling-huli ako sa akto.
"Give me your spare phone, Vania." nilahad niya ang kamay at tumingin sa akin na para bang alam niyang may tinatago ako.
"You have my personal phone, Tita B." alma ko.
"I told you to lay low yet you are contacting him using your spare phone! Ibubuko mo ba talaga ang sarili mo? Ang tigas ng ulo mo." she toned down her voice.
"Fine! Lalabas lang muna ako. I need air." arte ko at binigay na sakanya ang phone. Mukhang hindi naman siya nagdududa kaya hinayaan akong lumabas.
Madilim na at malamig na rin ang ihip ng hangin. Dapat pala nagdala ako ng jacket. Ayoko nang bumalik dahil baka paghinalaan na ako ni Tita B. Baka malaman niya pang nasa labas si Henrico. Alam kong safe naman kami kung sakaling malaman niya kaya lang pinapalayo niya muna ako ngayon kay Henrico. I can't just do that. Henrico is my source of strength.
BINABASA MO ANG
Hold Me Tight
Narrativa generaleAlicia Vanessa is someone who wants to prove something, to people, to her family. She's very private. Nobody knows about her secret, kahit ang long time boyfriend niyang dating bokalista ng sikat na banda. Even her relationship with the vocalist is...