Show business has been my dream. I remembered praying about it. Sabi ko pa nga, kapag nakapasok na ako sa industriya, I will be the happiest. I was. It was a dream come true. I can still clearly remember the exact feeling when I passed the audition for my first role. Sayang-saya na ako sa dalawang linya. Ang nasa isip ko lang ay basta may exposure. Ilang pelikula ang inextrahan ko. Hindi pa madalas makuha atleast natupad ang pangarap kong mapanood sa telebisyon.
Ilang beses kong pinanuod ang unang interview ko. I memorized the questions and my answers. Kitang-kita ang kinang sa mga mata ko. I answered as honest as possible. Sobrang inosente ko. Makikita mo talagang hindi niya alam ang pinasok niyang industriya. She thought show business is all limelight. It was beyond that.
My happiness was short-lived. Unti-unti akong minulat ng katotohanang hindi 'yon kasing dali ng pagngiti sa camera, pag-arte, pagsagot sa mga interview questions. Those are just the basic of being an actor. Nakita ko ang tunay na kalakaran ng industriya. It's not as dreamy as it may seems. Hindi madali. Hindi naging madali.
Akala ko kapag nakapasok na ako, dire-diretso na. Lalatagan ka nalang ng trabaho. Mamimili ka nalang ng gusto mong gawin. Hindi pala. Hindi ganun. You have to do something to be on the spot light. You have to maintain or it is best to level up where you are. Araw-araw mong papatunayan ang sarili mo. Hindi ka pwedeng makampanti sa posisyon mo kasi sobrang dali lang sakanilang maghanap ng pwedeng ipalit sayo. Mabuti sana kung papalitan ka lang, minsan sisirain at uubosin ka hanggang sa tuluyan ka nang mawala sa liwanag. That is my fear entering show business. It is still my fear. At hanggat nasa industriyang ito ako, mananatili ang takot kong 'yon. Kaakibat ng pangarap ko ang takot ko.
I wanted to become someone in show business. Gusto kong may mapatunayan. I wanted the spotlight so bad that I was blinded by it. I did things to be at my place right now. May isinakripisyo ako. May pikit mata akong ginawa para sa tagumpay na tinatamasa ko ngayon. May kinailangan akong lunukin para sa titulong nasa akin ngayon. Kaya hindi ko kayang basta nalang iwan ang industriya dahil malaki ang nawala sakin para matamasa ang kung anong mayroon ako ngayon. I sacrificed a lot for this fame. This fame is just the compensation of what I sacrificed, kaya hindi ko bastang maiiwan ang trabaho kong ito. Buhay ko ang ipinuhunan ko dito.
Matagal ng binawi ng pangarap kong ito ang kasiyahan. Working in the industry is not as fulfilling as the first time. Dati masaya na ako sa isa o dalawang linya, ngayon hindi ko na maramdaman iyon kahit ako ang bida. Hindi na rin siya nakakaenjoy kapag paulit-ulit na. Hindi ko alam kung kailan ako nagsawa sa pangarap ko. Ang alam ko lang matagal na akong hindi masaya sa ginagawa ko pero hindi ko magawang iwan. Hindi pa nakakatulong na maraming tao ang nakikisawsaw sa mga isyu. Wala ring kalayaang magsalita. Maghihintay ka sa sasabihin ng management kung may dapat kabang gawin o wala. Maraming hindi pwedeng gawin. It's suffocating and limiting. I can't be who I am. Inalis ng trabaho ko ang totoong ako. I can only be myself when I'm with Henrico.
Pinunasan ko ang mga luhang hindi ko namalayang tumulo na pala galing sa mga mata ko. Sinubok na pala talaga ako ng panahon. Pinatatag na rin kahit papano. I can now face the people I loathed the most. Kaya ko na silang ngitian. Hindi na ako nanginginig sa takot habang kausap sila. Parang walang nangyareng nakihalubilo ako sakanila. Hindi ko masabing utang ko sakanila kung nasaan man ako ngayon dahil buhay ko ang naging puhunan ko dito. They may have pulled some strings, but that's it. Kung may papasalamatan man ako sa kasikatan ko ngayon, sarili ko 'yon. You did great, Vania! You've come this far.
The only person that makes me sane is Henrico. He's my source of life, he keeps me going, he motivates me. Without him, I'm just a robot trying to function.
Napakiusapan ni Tita Berna ang Management na makompleto ko ang isang linggong bakasyon ko. Natuwa ako do'n. I spent my two remaining days with Henrico. Sinulit namin ang natitirang mga araw dahil hindi ko sigurado kung kailan ulit kami mabibigyan ng pagkakataong magkasama.
BINABASA MO ANG
Hold Me Tight
General FictionAlicia Vanessa is someone who wants to prove something, to people, to her family. She's very private. Nobody knows about her secret, kahit ang long time boyfriend niyang dating bokalista ng sikat na banda. Even her relationship with the vocalist is...