CHAPTER 7

307 6 0
                                    

Ang planong umuwi kay Henrico pagkatapos ng taping ko ay hindi nangyare. Isang sasakyan ang naghihintay sa akin sa labas ng lugar na pinag-stay-han namin sa loob ng dalawang linggong taping.

It is a familiar car. A very familiar one. Minsan ko lang makita pero nakatatak na sa akin. Kabisadong-kabisado ko na.

Lumapit ako doon at bumukas ang front seat. The same person who always fetched me is seated on the driver's seat.

"What is it this time?" tanong ko sa pagod na boses.

"Pinapasundo ka po sakin ni Sir Vander." sabi niya at hindi na dinugtungan pa iyon.

Umandar ang sasakyan.

Nakita ko sa labas na nakatingin si Tita B at ilang staff sa sasakyang lulan ko. Will this spark another rumor? Anong isyu na naman kaya ang pwede sa aking iugnay?

Iniwan ako ni Tita B pagkatapos sabihin sakin kung ano ba ang nagawa ko para kay Henrico. Paulit-ulit kong naririnig sa isip ko ang tanong na 'yon.

I know I am being unfair to Henrico since I was hit by the spot light. Hindi ko kayang pantayan lahat ng isinakripisyo niya. Hindi ko magagawang higitan ang pagpoprotekta niya. I can't even equal his patience. What more those sacrifices he made for our relationship. Kung hihilingin niyang iwan ko ngayon ang trabaho ko, hindi ang isasagot ko  Hindi ko pa kayang iwan ang show business. Ito lang ang alam ko. Ito ang pangarap ko. Ito ang nagbukas ng napakaraming oportunidad para sa akin.

Naging masaklap sakin ang mundo. Sa pag-aartista ko naramdaman na kahit papano ay may nagmamahal sa akin. There are people who appreciate me.

Getting the recognition comes with sacrifices. Sakripisyong buong pagkatao ko ang naging dehado. Kaya hindi. Hindi ko muna iiwan ang trabahong ito. Hindi pa sapat ang lahat ng nakukuha ko ngayon sa isinakripisyo ko.

Alam kong hindi kami darating ni Henrico sa ganung punto. Henrico respects me and the things I want to do. Hindi niya ako ilalayo sa bagay na gusto ko kahit kapalit no'n ay ang pagkaubos niya. Mas pipiliin niyang intindihin ako kesa ilayo sa mga bagay na pinili kong gawin.

Hindi kami nag-uusap ni Tita B maliban kung tungkol sa trabaho. Nasaktan ako sa mga sinabi niya pero alam ko sa sarili kong totoo. I can't live without Henrico, pero ayoko ring isapubliko ang relasiyon naming dalawa. Madadawit siya ng sobra sa magulong buhay ko. Paano kung bigla nalang... Hindi. Kaya hindi ko pwedeng aminin sa lahat ang relasiyon naming dalawa. Hanggat kayang itago, itatago ko.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa byahe. Nagising lang ako nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. Nabungaran ko ang driver na nasa pintuan ng sasakyan. Nang makitang gising na ako ay umayos ito ng tayo.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at lumabas na ng sasakyan. Nandito ako sa lugar kung saan madalas ko siyang tagpuin. Sa bahay na ipinangalan niya sa akin. Bahay na pag-aari ko pero hindi ko kayang tirhan. I'd rather stay in someone else's house than stay here.

Sa pagpasok ay nakita ko ang pamilyar na mukha ng lalaking bibihira kong makita sa personal pero madalas kong makita sa telebisiyon.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa single couch. Ngumiti ito at binuksan ang mga braso para sa akin. Imbes na yakapin ito ay pagod akong umupo sa couch at pagod rin itong tiningnan.

"Pagod ako. Bakit mo ako pinapunta rito?" hindi interesadong tanong ko. Gusto ko nalang umuwi ngayon kay Henrico.

"Ilang buwan din tayong hindi nagkita pero ganyan lang ang isasalubong mo?" nawala na ang ngiti sa mga labi niya. Anong gusto niyang gawin ko? Kasalanan ko bang hindi niya ako magawang kitain sa ibang lugar maliban dito? Hindi naman ako itong nagtatago sa totoong relasiyon naming dalawa ah.

Hold Me TightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon