Kabanata 10

13K 341 8
                                    

Senses

"Alex, saan mo ba ako dadalhin?" paulit-ulit na tanong ko. "Kanina ka pa paikot-ikot dito sa village,"

Bumaling siya saglit sa akin bago muling nag-focus sa pagmamaneho. "Just wait, malapit na tayo."

Napairap ako sa kaniya. "Sabihin mo na kasi!" inis na sambit ko. "Nagugutom na ako eh..." bulong ko.

He laughed as he glanced at me. "Malapit na tayo sa bahay ko," aniya at muling niliko ang sasakyan.

"Bahay mo?!" gulat kong tanong at mabilis na bumaling sa unahan.

He laughed softly and it's like music to my ear. "Yes, my house." he confirmed.

Napanguso ako at biglang kinabahan. Bahay niya, 'di ibig sabihin nandoon ang pamilya niya. "Ibaba mo ako, uuwi na ako!" pagpupumilit ko.

Ramdam ko ang tala-talahib na kabog ng dibdib dahil sa kaba. Damn. I have never been this nervous before.

He glanced at me again with a smirk on his lips. "Nope, malapit na tayo."

Nangunot ang noo ko at sinamaan siya ng tingin. "Anong gagawin natin doon? Hindi pa ako handang humarap sa mga magulang mo, Alex!"

Malakas itong humalakhak, umunat ang kanang kamay niya at inabot ng ilong ko. Bahagya niyang pinisi-pisill ang ilong ko na nagpainit ng mukha ko.

"Silly, that's my own house. I'm just living there alone," he said as he glanced back at the roadway.

"We? May bahay kana?" taas kilay na tanong ko.

"Yup, together with my friends. They are also living in this village."

My eyes widened with a bit of amazement. "You mean, Trevious Villaruz? Krizza's fiance?"

"Yup, they're also living here too. Just meters away from my house. But they mostly stayed in Tagaytay at their rest house since Oliver loves the beaches," he said.

"Wow... edi lagi kayong magkakasama na magkakaibigan?"

Saglit siyang bumaling sa akin at muling lumiko sa right way. Napapalibutan kami ng naglalakihang bahay at hindi ko alam kung saan ang kaniya.

"Nope. Just often. Some of us are busy handling their business and Roscovio fled to London and I didn't if he's planning to stay here,"

Tumango-tango ako. "Ilan ba kayong magkakaibigan?" tanong ko.

Napasandal ako sa upuan at tumingin sa kaniya na seryosong nagmamaneho. Napanguso ako dahil lihim kong sinusuri ang kanyang pisikal na anyo.

Hindi ko masisisi si Melissa kung gusto niya ngang makagante. Halata naman na hindi si Alex 'yong tipo na makukuntento sa isang babae.

Hilaw akong napangisi habang nakatitig sa kaniya dahil unti-unting dumilim ang ekspresyon ng mukha niya at bahagya pang nag-igting ang bagang bago bumaling sa akin at tumitig ng taimtim.

I secretly bit my lower lip because of his mesmerizing blue eyes that slowly dazzled me. "Why are you asking?"

Napangiti ako ng maalala ang mga kaibigan niya. Hindi ko man sila natitigan lahat pero alam kong may mga itsura rin ang mga 'yon at talagang habulin sila ng mga kababaihan.

I licked my lips as I giggled lightly. "Baka pwede mo akong ipakilala-"

"Nope. Marami kami pero hindi mo na kailangan makilala pa." Malamig na aniya at agad umiwas ng tingin sa akin.

Napanguso ako lalo at mas lalo siyang tinitigan. "Bakit naman?"

"Nevermind. By the way, I'll make some rules for us." sambit niya.

Attraction Series 4: Dangerous Touch (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon