Chapter 61

418 16 0
                                    

THE PERFECT MATCH !!!!!
************************************************
YOCHIKA MARGAUX MATSUMOTO POV

" am pwedi ba kitang makausap sandali?" Mahinang tanong ko kay etcheya dahil may kausap siya sa phone.
Agad niyang binaba yung phone niya at nag sign siya na lumapit ako sa kanya.

Naupo ako sa kalapit niya
" nag message sakin ang isang tv network, tinatanong nila kung pwedi tayong ma interview sa isang show?" Sabi ko sa kanya.

" ikaw ang bahala? Ano ba sa palagay mo?" Tanong niya sakin, kaya napaisip ako
" baka kasi maging abala para sayo" sagot ko sa kanya.

" kaya ko naman i cancel lahat kung gusto mong magpa interview tayo" sabi niya.
" ha? Sasabihin ko na lang na hindi na lang " mabilis akong tumayo at naglakad papunta sa may balcony.

**************************************************

" Kilan ka pala babalik sa probinsya ninyo?" Tanong niya sakin habang sinasarado yung zipper ng dress na bigay sakin ni tita, habang nakaharap ako sa salamin.

" pag bumalik ako doon, siguradong hindi lang sila matutuwa na makita ako" sagot ko sa kanya pagkaharap ko sa kanya.

" hindi naman palaging ganun" sabi niya
" Hindi na ako umaasa na magkaka ayos kami ni mama" sagot ko sa kanya
" Subokan natin, Sa oras na hindi kapa nila tangapin hindi na kita ibabalik sa kanila" sabi niya kaya napa ngite na lamang ako.

" Pupuntahan ko lang yung niluluto ko" paalam niya sakin at lumabas na ng room ko, muli akong humarap sa salamin at tiningnan ang sarili ko.

Sila lang yung Mafia na mahilig mag bigay ng regalo na kulay white, tulad ng dress na sout ko ngayon, simple pero ang ganda.

Agad narin ako sumunod sa kitchen, nagluluto siya ng korean noodles, black bean noodles, tapos naga fried na siya ng eggs.

Kaya ako na ang naghanda ng drinks namin, Coke at nilagay ko sa dalawang baso na malaki na may ice.
Inayos ko narin sa isang lalagyan ang mga chicken na meron spicy at yung iba normal na flavor.

Si etcheya naman na yung nag lagay ng kimchi. Nung tapos na lahat nilagay na namin sa dinning table, at pariho na kaming naupo.

" kain na tayo" sabi ko sa kanya
Nag nod lamang siya kaya nag simula na akong kumain. Hindi nag tagal ay kumain narin siya

Bigla siyang nasamid pagka kain ng maanghang na noodles, kaya agad kong inabot sa kanya yung drinks namin.

" ayos ka lang ba?" Agad na tanong ko sa kanya
" oo ayos lang medyo mainit lang" natatawa niyang sagot.

*************************************************

" hello po, opo kasama kopo siya ngayon, thank you nga po pala sa gift nyo sakin tita" sabi ko sa mama ni etcheya na kausap ko sa phone, habang pinapauod ko si etcheya habang naga hugas ng pinagkainan namin.

" you're welcome, alam mo naman na i really like you to my son, subrang laki nang pinagbago niya dahil sayo, dati hindi siya kumakain ng maanghang pero sabi niya mahilig ka sa maanghang kaya pinipilit niyang kumain" natigilan ako dahil sa sinabi ni tita.

" bye Margaux kaylangan ko ng umalis" sabi pa ni tita
" take care po" sabi ko

Pagka off ng call ay nakatingin parin ako kay etcheya pagkatapos nung ginagawa niya ay napatingin siya sakin.

" Anong sinabi sayo ni mommy?" Tanong niya at umupo sa may harapan ko.
" Hindi mo sakin sinabi na hindi ka mahilig sa maanghang halos lahat ng kinain natin kanina maanghang" sabi ko sa kanya.

" kaya ko naman mag adjust" sagot niya
" naiisip ko kung bakit sa dami ng magagandang babae sa mundo bakit ako ang napili mo?" Tanong ko sa kanya

Hinawakan niya yung kamay ko

" bakit ikaw?? Dahil ikaw yung perfect match for me, sa iba ang perfect match ay yung katulad sa lahat ng bagay, pero for me the perfect match ay yung nasa kanya yung katangian na wala sakin, perfect kasi siya yung magpupuno sa lahat ng bagay na wala ako" paliwanag niya.

***********************************************

My Stalker is a Mafia Boss ( COMPLETED )Where stories live. Discover now