Chapter 64

417 16 0
                                    

THE MOST HARDEST MISSION  !!!
************************************

ANDREW PHILIP ETCHEYA XIAO HARRISON PARK POV

Nakatayo lamang ako sa labas ng kanilang bahay habang nakatingin sa langit na maraming bituin.

" Hindi mo pinaalam kay Margaux na nandito ka?" Lumapit sakin si kuya yuhan.
" Sa Dami na nang pinagdaanan niyang masakit at mahirap, ito na lamang ang magagawa ko upang mapasaya siya " sagot ko sa kanya

" Alam mo na masaya na siya basta kasama ka, sapat na lahat ng ginawa mo para sa kanya, mula pa noon kaya hindi mona kaylangan pahirapan pa nang todo ang sarili mo, para lang mabou ang pamilya na gusto ni Margaux"

" Alam kong hindi ko kayang ibigay ang pangarap na pamilya ni Margaux dahil wala na ang papa niya kaya nga pilit kong bubouhin ang pamilya niya ngayon, hindi naman ako nag failed sa mission ko nagawa ko" masaya kong sagot sa kanya.

" Alam kong magagawa mo yun, akala ko nga mahihirapan ka kay mama pero ilang oras lang nagawa mo ang gusto mo, napaka swerti ni Margaux sayo"

" Ako ang maswerti dahil sa kanya kung bakit nagagawa ko ang mga bagay na ito" sagot ko.

" Ang tapang mo para maisip na gawin ito" -yuhan
" pinaka nakakatakot na makaharap ang pamilya ng babaeng mahal ko, kung alam mo lang"
Hinawakan niya ako sa balikat

" Nagawa mo, hindi kana dapat kabahan, pumasok na tayo malalim na ang gabe, magpa hinga kana"sabi niya sakin.
Nag nod lang ako kaya naglakad na siya pabalik sa loob ng bahay.

Napahawak ako sa dibdib ko, hanggang ngayon ramdam ko parin ang lakas ng tibok ng puso ko. Sa kahit anong laban at mission na ginawa ko dito lang bumilis ng subra ang tibok ng puso ko.

**"***********************************************

YOCHIKA MARGAUX MATSUMOTO POV

"Good morning kuya yuhan" kakabangon ko pa lang sa kama tumawag agad sakin si kuya yuhan.
Diretso ako pababa papunta sa kitchen.

" Good morning too, miss kana ng mga bata" sabi niya
" i miss them too, nga pala kuya ano na balak mo? Kilan ka babalik sa work mo?" Tanong ko sa kanya
" naisipan ko na mag tayo na lamang ng business" sagot niya.

Kumoha ako ng malamig na tubig sa fredge at baso

" hang on" sabi ko ng may nag doorbell
Kaya nilapag ko mona yung phone ko sa table at nag lakad papunta sa pinto ng unit ko.

Pag bukas ko ng pinto ay isang lalaki ang nakita ko, ang taas na lalaki, at para siyang nakakatakot ang aura pero gwapo siya.

" miss Margaux tama ba?" Tanong niya sakin
"Ammm yes why?" Tanong korin sa kanya

Bigla niya akong hinigit sa braso

***************************************************

My Stalker is a Mafia Boss ( COMPLETED )Where stories live. Discover now