Prologue

318 17 1
                                    

B E S T F R I E N D !??

Ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang 'bestfriend' ??

Balikat mo pag may problema,

Eksperto sa mga katatawanan,

Sinasabihan ng nararamdaman,

Tagapagtanggol sa lahat ng bagay,

Friends forever,

Rumerescue sa kalokohan,

Iniiyakan kung kailangan,

Entertainer ng boring mong buhay,

Nagpapasaya sayo araw araw

Dumadamay sayo sa agos ng buhay.

Para sa karamihan, yan ang tunay na kahulugan ng bestfriend. Yung nasasabihan mo ng problema tapos papayuhan ka, susuportahan at sasamahan sa lahat ng bagay. Sila na rin siguro ang pinaka pinagkakatiwalaan mo sa buhay mo.

Pero paano kung ang lahat ay salungat sa nararamdaman mo?

Paano kung ang 'BESTFRIEND' na sinasabi mo ay siyang may mas malalim pang kahulugan sa buhay mo?

Boyfriend material,

Espesyal na tao sa buhay,

Sikreto mong minamahal,

Tinitibok ng puso mo,

Friendzone forever,

Rason kung bakit ka nasasaktan,

Inspirasyon sa araw-araw,

Elementong kumukumpleto sayo,

Nagmamahal sa iba,

Dahilan kung bakit ka broken hearted.

Wala naman sigurong masama kung aksidente kang mainlove sa best friend mo diba? Pero sino bang gustong ma-inlove sa taong alam mong may ibang pinapangarap. Siguro nga eto na ang pinakamasakit sa lahat ng pwedeng pagdaanan ng magkaibigan. One sided love.

Ako lang ang nagmamahal. Ako lang ang kinikilig. Ako lang ang umaasa. Ako lang ang naghihintay. At ako lang ang nasasaktan.

May pag-asa pa bang mahalin niya rin ako hindi lang bilang kaibigan, kundi higit pa dun? Posible rin bang mainlove ang tulad niya sa bestfriend niya? Who knows.

Basta ako, hangga't kaya ko, patuloy ko pa rin siyang mamahalin! Kasi mahal ko siya.

Mahal kita bestfriend :(:

_________________________________________________________________________

Enjoy reading! Comments and Votes are highly appreciated ♥

xoxo,

_paddywatty

Mahal kita BESTFRIEND :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon