Home alone ang peg ko ngayon. Paano, umalis nanaman si mama at tita Ceryl. For sure, nasa bahay lang din si Dylan ngayon.. Aish, nakakatamad tuloy pumunta sa kanila ngayon at baka wala nanaman siya doon at ... at... at masaktan.... lang ako..
Opo tama kayo.. Alam kong alam niyo na ang aking sikreto.. Simula nung bata palang kami, mahal ko na si Dylan. Siguro kahit sinong babae ang nasa posisyon ko, ganun din ang mararamdaman... Sino bang hindi magkakagusto sa isang Dylan John Ramirez, - gwapo, mabait, matalino, matangkad, magaling kumanta, mahilig sa sports, lahat lahat na nasakanya na! Nese kenye ne eng lehet. ~
kaso alam kong bestfriend lang ako para sa kanya.. Alam kong kahit anong mangyari, hindi na iyon magbabago.. Hindi naman ako umaasang mamahalin niya din ako hindi bilang isang besftriend lang.. Para sakin, okay na rin siguro yung ganito...
Crush niya si Tiffany. Simula nung lumipat si Tiffany sa school namin nung 4th year kami, nagustuhan na daw niya agad.. Syempre, dyosa kasi siya sa kagandahan eh..sa sobrang swerte niya, naging kapitbahay pa namin siya.. Kaya ngayong mga araw nagiging close na sila... Wala talaga akong laban kay Tiffany.. Pagdating palang sa ganda, talo na ako.. Hindi ako panget, hindi rin naman maganda. Ayos lang, pero I'm so plain and simple -__- kaya imposibleng magustuhan niya ako ;(
Wooooo grabe na tong drama ko ah.. Gutom lang siguro to. Makababa na nga at makapag-breakfast! I mean brunch na pala.. (breakfast-lunch) kasi tinanghali na ako eh!
Iisipin ko palang yung pwedeng gawin sa araw na to.. Hmmmm, onting panahon nalang ang natitira magpapasukan na kami eh..
Binuksan ko ang fridge at kumuha ng cereal. Naririnig ko na rin kasi ang 'kroo kroo' ng tiyan ko..
Susubo na ako nang biglang...
"AY KABAYO!" sigaw ko, halos mapaso kasi ako sa kinakain kong cereal.. Paano ba naman kasi, may kumatok sa pinto namin ng sobrang pagkalakas lakas!
Bwisit! Wala naman sigurong planong manira at mang-giba ng pinto to!
"KLENG!!! KLENG!!!" sigaw ng tao sa pinto.
Di ako nagkakamali.. Si Dylan nanaman ito..
"Ano ba yan, istorbo na nga sa pagtulog pati ba naman paggising istor--"
"KLENG PASENSYA NA MAKIKIBANYO LANG... BARADO KASI YUNG TOILET BOWL NAMIN EH, LALABAS NA YUNG ... YUNG... YUNG... BASTA SUBMARINE!!! "
Pfftt...
"ANO!?" sigaw ko.
"NATATAE NA AKO, SIGE PASOK NA KO SA CR NIYO BYE BYE" Sagot niya sabay takbo papuntang CR.
Whattheeefff, sobrang kapal talaga ng face ng mokong na to! Hindi man lang nahiya sa akin.. Dito pa makiki-CR! Pffft... Nakakatawa yung itsura niya! Hahahahah.
Binalikan ko yung kinakain ko kanina, niligpit ko nalang ito.. Para kasing nandiri ako eh. Hehehehe, joke. Nawalan ako ng gana kainin ang cereals ko.. Amp.
Pagkatapos kong magligpit ay nagwalis walis muna ako ng sala.. Ang tagal ng mokong na yun sa CR!!
After almost 10 minutes,
"WOOOOOOO KLENG! SUCCESS!!"
"NU BA YAN, AMBAHOOOO!" asar ko sakanya habang patuloy na nagwawalis.
"SINONG MABAHO? ANONG SABI MO HA!?" putek lumapit ba naman sa akin at parang pinapaamoy pa ang sarili sa akin.. Da Ef!
"MABAHO BA? HA? HA? MAS MABAHO KA KAYA!!" asar niya habang kpnangungulit pa rin
"YUCK KA DODENG EEW ANG BAHO MO!!!"