Ikaapat na Kabanata

73 2 2
                                    

Ikaapat na Kabanata

Nandito ako ngayon sa loob ng bahay nila Dodeng!

Kanina pa nakasalubong ang dalawang kilay ko. Ibig sabihin kanina pa ko nagtitimpi ng galit.

Nakakainis naman kasi talaga! Masyado siyang tokis! Sabi niya sabay kami mag-eenroll! Sabi niya Psycho ang course niya! Pero bakit dahil lang kay Tiffany babaguhin niya!! Ganun na ba talaga siya kabaliw pagdating kay Tiffany !?

"Hoy Kleng! Ano nanaman ba yang kabaliwan mo?" pambasag ni Dodeng sa katahimikan.

Tahimik pa rin ako... Di pa ko nagsasalita.

"Kleng!" tawag niya ulit.

Nakatingin lang ako sa kawalan.. Nanahimik parin. Wal----

" Chloe!!! Ano ba? " Nagulat ako sa sigaw niya. First time ko siyang narinig sumigaw na ganito ang tono.

Napatingin ako sa kanya.

"Ano bang problema? " tanong niya. Mahinahon na ang boses niya.

Huminga ako ng malalim..

"Sabihin mo na, anong sasabihin mo, ano yun? Anong problema?"

"NAIINIS AKO SAYO!! YUN ANG PROBLEMA!!" sigaw ko na ikinagulat niya naman.

"Ano?"

"Level 99 na ba yang kabaliwan mo kay Tiffany ha para makalimutan mo na ako!" nadulas ako sa sinabi ko...halata namang gulat siya.

"Ibig sabihin ko. .... Diba nag-usap na tayong sabay tayong mag-eenroll!? Why all of a sudden...... nag-iba ang plano mo!?"

"Huh? Wa-wala naman akong iniba sa pl---"

"Kaya pala BS Bio na ang kukunin mong course. Wow congratulations! Ang dating hate na hate ang Biology subject ni Mr. Benedicto ngayon love niya na at guess what future course niya pa!" dirediretso kong sabi.

Medyo napakamot sa ulo ang dagang ito.

"Posible pala yun? Ako kaya noh? Mag Accountancy kaya ako. Baka sakaling magustuhan ko rin ang Math! " sarkastiko kong sabi...

"Teka, yan ba ang kinagagalit mo?"

"Hindi! Hindi lang yun! Dahil ang sabi mo sabay tayo sa enrollment! Diba? May pinky promise ka pang nalalaman dyan! Ngayon nakilala mo lang si Tif..... Ano??"

Siguro ay napipikon na siya sa sinasabi ko.. Medyo asar na rin kasi ang mukha niya.

"Edi sabay sabay nalang tayong tatlo mag-enroll. Magkakaklase naman tayo eh. And besides, friends na kayo right?" sagot niya sa akin.

Ako? Friends with Tiffany? I. Dont. Think. So.

"Huh... Ah... Oo.. Yes... Magkai...bigan na kami... Ahhh.."

"Yun naman pala eh! Edi okay na pala! Sabay sabay na tayo!" medyo natutuwa pa siya. Hayyyy ang selfish niya talaga.

Napatungo nalang ako..

"and about pala sa course ko... Kleng, ano.... ano kasi.... Naisip ko kasi.... Baka kung parehas kami ng course ni Tiffany.... baka mas maging close ....kami.. Diba nasabi ko na sayo yun.." paliwanag niya..

<///3 eto nanaman yung mga kutsilyong tumutusok sa puso ko...

Chloe, ngumiti ka! Okay.

"Ahh ganun ba..."

"Wag ka na magtampo Kleng ha! Ayos na lahat okay?"

"Okay." tipid kong sagot. Naiinis ako. Ayoko sa ganitong pakiramdam.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mahal kita BESTFRIEND :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon