"Dear Diary,
Simula nung graduation namin, di pa rin kami nag-uusap ng bestfriend ko. Nakakainis kasi siya. Pinahiya niya ako sa mga tao sa loob ng ice cream parlor. Hayyy. Pangalawang araw na namin tong di nag-uusap. Di ko kasi siya pinapansin eh. Nakakamiss! :((
Nandito lang ako sa bahay ngayon mag-isa. At siguro naglalaro nanaman ng computer yung mokong na yun! Tamad na ako mag-sulat kaya bukas ulit! Chao xx
-- Chloe~ "
Summer na Summer tapos wala akong magawa! Kainis naman kasi tong si Dylan eh. Batiin ko na nga siya nang matapos na tong tampuhan namin! Eerrrr..
Wala akong choice kaya pupuntahan ko siya sa kanila. It's just a few steps from here. We're just neighbors! Isang bahay lang ang nasa pagitan namin. Yung bagong lipat na kaklase namin nung Fourth year kami.. At feeling ko ay crush ni Dylan. Ouch ;(
"San ka pupunta Chloe? Di ka pa nagdi-dinner. Kumain ka muna." - mama
"Ma, dyan lang ako kanila Tita Ceryl. Makikipag-ayos lang ako kay Dylan!" sagot ko.
"Aba, namiss mo na siguro kakulitan niya noh..." Alam kasi ni mama ang tampuhan namin. Pati rin si Tita Ceryl!
"Hindi noh! Nabobored lang po ako. Kailangan ko ng magpagtitripan!" depensa ko.
"Sowsss, magbati na nga kayo oshaaa!"
"Key.dot. Bye!!" Cool kong sagot. Casual lang talaga ang conversation namin ni mama..
Kung naguguluhan kayo, ganito kasi yan. Si Dylan ang bestfriend ko since bata pa lang kami. Paano ba naman, si mama kasi at Tita Ceryl (mommy ni Dylan) ay super duper ultra mega BFFs nung mga kabataan days pa nila at hanggang ngayon ay obvious pa rin ang closeness nila! Kaya ang resulta, tenennnn! Mag bestfriend din kami ng anak niya!
Swerte na rin siguro kahit papaano ako dahil isa akong bestfriend ni Dylan! Marami ay napagkakamalan kaming mag-ON, nakakakilig man pero waley eh, mag bestfriends lang talaga kami ;((
At yun nga, medyo nagtatampo ako sa kanya simula nung ginawa niya sa akin nung graduation. Nung napunta kasi kami sa ice cream parlor, pinakain niya ako ng pinakain tapos di man lang niya sinabing may ice cream na pala sa mukha ko. Tuwang tuwa pa siya nun? Eh andaming nakapaligid sa amin nun, pinagtatawanan din ako. Haist -_-
Well, away bati naman kasi talaga kami niyan eh. Nagbabati rin naman kami. Kagaya ngayon, nandito ako sa tapat ng bahay nila makikipag-ayos. Di ko rin kasi siya matiis! Syempre maha----
"Oh Chloe, pasok ka! Kumain ka na?" Bungad agad ni Tita Ceryl.. Nasa garden kasi siya kasama ni Tito Daniel kaya napansin nila agad na nasa labas ako ng bahay nila.
"Ahh.. di pa po, bibisitahin ko lang sana si dodeng ay este si Dylan pala!" nakatawa kong sagot.
"Naku kayo talaga, mag-babati na ba kayo? Namimiss ko na kasi kakulitan niyo. Ang tahimik ng street natin oh, wala kasing magulo.. Hehe joke." biro naman ni Tita Ceryl kaya napatawa ako. Sila rin kasi witness din sila sa mga away sessions namin ni Dylan!
"Pasok ka muna dyan hintayin mo si Dylan..." - Tito Daniel
"Bakit, wala po ba siya dyan ngayon?" tanong ko naman agad.
"Nasa kabila siya eh. May gagawin yata sila ni Tiffany." sagot naman ni Tito Danie--- WHATTT!? KAY TIFFANY!? MAY GAGAWIN??? GABI NA EH. P*CHA!!
YUNG UTAK KO KUNG ANU-ANONG NAIISIP. HAYYYYY. ANO NANAMAN BA KASING GINAGAWA NUN SAKANILA.. SILA NA BA? KELAN PA!??
"Kanina pa siya dun ah.. Teka nga tatawagan ko." - Tita Ceryl
OKAY. KANINA PA DAW DUN. SPEECHLESS AKO.