Ikatlong Kabanata

126 4 1
                                    

Nalilito ako. Antanga- tanga ko talaga ano? Pumayag ako sa favor daw niya sa akin, kahit masakit um-oo ako. Ano nga bang magagawa ko hindi ba? BESTFRIEND nga ako eh, tutulungan siya sa lahat ng oras na kailangan niya ako . At ngayon tutulungan ko siya sa Tiffany na yan kahit MASAKIT . :(

Pero pwede naman akong humindi diba? Mag-aalibi na dapat siya ang maghirap sa pakikipag-close niya kay Tiffany.

Ano ba?

Papayag at pagbibigyan si Dylan sa kahilingan niya kahit masakit sa aking damdamin?

O

Aayaw sa kahilingan niya at hayaan siyang gumawa ng sarili niyang paraan?

Hay Chloe Jhae! Ang gulo mo! Nagtatalo ang puso't isip ko.

Makalabas na nga muna dito sa bahay , maglalakad lakad lang at magmumuni sa park na malapit.

*Bukas ng pinto*

*Bukas ng gate*

=Nakalabas na ng bahay=

*Lakad-lakad*

Sana pala 'di na lang ako lumabas. Tsk tsk. >_<

Bakit? Si Tiffany naglalakad lang rin naman. Sabayan ko kaya at kausapin? Ano ba yan! Huwag na nga! Waste of time, lumabas ako para magligaliw at para na rin mapahinga ang puso't isip ko.

*Lakad lang ng lakad Chloe. Wag intindihin na nandyan si Tiffany na ilang hakbang na lamang ay makakausap mo na.*

Hay hay! Dylan,Dodeng huwag kang mangonsensya. Umalis ka sa utak ko. Chuppii ka! Huwag mo kong konsensyahin dyan. Manahimik! Nyemas ka! - . -

"Umm.. Ti..ti..ffany" utal-utal na sigaw ko para mapigilan siya sa paglalakad.

Wala rin ano? Talo pa rin ako. Ito ako ngayon kakausapin si Tiffany para sa ikaliligaya ni Dylan at ikasasakit ng kalooban ni Chloe. :-(

"Ahm.. Oh bakit Chloe? " Oo, kilala niya ako , bukod sa katabing bahay lang namin siya ni Dylan at kaklase ko rin siya. Saklap ng tadhana ko noh? Nananadya lang.

"San punta mo? Pwede sabay na tayo? Kung pwede lang naman. Hehe. Feeling close ako noh? " *insert fake smile*

"Ah okay lang Chloe, sa park ako pupunta, magpapahangin lang saglit." nakangiti niyang saad.

Ang ganda niya lalo kapag ngumingiti, parang dyosa lang, isa sa mga katangian kaya siya nagustuhan ni Bestfriend Dylan. Kung ikukumpara sa akin eh grabeng lamang ng nilalang na Ito.

:) AKO? , simple, mukhang bata, baliw, kalog, hindi mahinhin, madaldal at higit sa lahat CUTE. (SINONG AANGAL? MAGBIGTI NA! XD) SIYA? Halos perfect na, lahat na yata ng hinihiling ng isang lalaki na katangian ng isang Ideal Girl at sinalo niya na. Oh Sige! Siya na! Sila na bagay ni Dylan. Sila na! Sila na ang Mr. and Ms. Perfect. :-(

Iniisip ko pa lang na bagay na bagay na bagay na bagay na bagay SILA at sobrang sak------

"Chloe? Okay ka lang? Kanina ka pa kasi tulala." ang lalim masyado ng iniisip ko, iniwan ako ng kaluluwa ko at pumunta mag-isa sa dreamland.

" Ay sorry Tiffany ha! May naalala lang. Hihi. Tara na, sa park rin ang punta ko eh. Sabay na tayo." Hinila ko na siya at kumapit sa braso niya. OO! Magpapaka FC na ako kahit ayaw ko.

Ito na siguro ang first step ko para paglapitin pa lalo si Tiffany at Dylan o sa mas madaling salita ay para sa PANLILIGAW ni Dylan . Haha! Ansaya-saya talaga! Mag-aala kupida ako para Luna Tiffany at Dylan. Nakakaiyak pero sige para Kay Bestfriend Ito."

Nakarating na kami sa park. Umupo ako sa isa sa mga swings , sumunod rin si Tiffany at umupo sa bakanteng swing sa right side ko.

Sinimulan ko ng pandering ang swing.

Mahal kita BESTFRIEND :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon